Tuesday, September 22, 2020

Isang Lalaki, Umatras Daw sa Kasal Kapalit ng Php 35,000


Dahil daw sa panunuhol at pakikialam ng tita ng kanyang fiance, iniwan daw si Mary Joy Alvarez ng kanyang kalive-in partner kapalit ng halagang Php 35,000.

Ito ang reklamong idinulog ni Alvarez sa programa ni Raffy Tulfo nitong ika-14 ng Setyembre. Dito, isinaad ni Alvarez na bigla na lamang daw siyang hindi kinausap ng lalaking nakatakda sanang magpakasal sa kanya na si Jero Jay Borja.

Mayroon daw kasing pagkakautang na Php 35,000 si Borja sa kompanya na dating pinagtatrabahuan nito. Bilang kapalit sa pambayad sa pagkakautang nito, pinapili umano si Borja ng kanyang tita na hiwalayan si Alvarez.

Maliban dito, nagsinungaling din umano sa kanya si Borja at sinabing isa raw itong sundalo. Dagdag pa umano nitong saad kay Alvarez, sumasahod daw siya ng Php 40,000 buwan buwan, mayroon daw siyang ipinapagawang bahay, at mayroong ding hinuhulugang lupa.

Akala daw ni Alvarez ay paninindigan siya nito kaya rin daw siya natigil sa kanyang pag-aaral. Isa rin umano sa pinoproblema niya ay dahil isang buwan na umano siyang delayed. Tatlong buwan na umano silang magkarelasyon ni Borja at napagdesisyunan nila na magpakasal na sana.

Nakakuha na rin umano sila ng cenomar at na-extend lamang umano ang kanilang kasal dahil sa pandemya. Handa na umano sana ito pati na rin ang kanilang mga susuotin.

Si Alvarez ay 21 taong gulang lamang habang si Borja ay 23 taong gulang. Ito ang rason ng mga magulang ni Borja kaya raw sana ay pinag-isipan muna ng mga ito ang ginawa nilang desisyon.


Ayon sa nanay ni Borja, nakilala lamang umano niya si Alvarez isang linggo bago nangyari ang pagrereklamo nito sa Tulfo. Dagdag pa nito, nais niya rin sanang humingi ng tawad dito ngunit ang nangyari umanong paggawa ng desisyon ng dalawa nang walang konsulta sa kanila ay hindi umano tama.


Depensa naman ni Alvarez, nagsinungaling din umano si Borja sa kanya at sinabing alam ng kanyang mga magulang ang gagawin niyang pagpapakasal dito. Nagpunta na rin umano ito sa kanilang bahay at humarap sa kanyang mga magulang.

Ani pa nito, marahil daw ang dahilan kaya ayaw sa kanya ng pamilya ni Borja ay dahil mayroon daw itong anak doon sa una niyang naging ka-live in. Ngunit, unang-una pa lamang ay sinabi niya na umano kay Borja ang tungkol dito.

Saad naman ng nanay ni Borja, masakit din umano para sa kanya ang ginawang pagsisinungaling ng kanyang anak kay Alvarez. Naiintindihan niya umano ito ngunit, sana raw kasi ay kinilala muna ni Alvarez ang lalaking papakasalan niya bago ito gumawa ng malaking desisyon.

“Ako hindi ako nagdidikta kung sino ang gusto ng anak ko na maging ano niya, basta ang importante ay ready sila. Ready silang humarap sa mga bagay-bagay sa buhay nila. Pero sa tingin ko kasi, si Mary Joy malaki pa ang plano ng pamilya niya para sa kanya…,

“Atsaka ‘yung ginawa nilang pag-ganon na kumuha sila ng cenomar na nga, without parent consent kasi ‘yun, pwede. Pero gumawa sila ng sarili nilang desisyon without consulting anybody, at naniwala siya kaagad doon… 

“Dapat kasi bago siya magtiwala, nagbackground check muna siya,” pahayag pa ng nanay ni Borja kay Alvarez.


Sa ngayon, handa umanong humingi ng tawad ang ina ni Borja para sa nagawa ng kanyang anak at kung pwede ay sila raw ang personal na pupunta kina Alvarez. Naiitindihan daw kasi nito ang sakit na nararamdaman ng dalaga.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment