Kamakailan lang, ipinasilip ng luxury brand na Louis Vuitton sa publiko ang kanilang sariling bersyon ng face shield.
Ganap itong ipapakilala sa publiko sa darating na linggo bilang isa sa kanilang 2021 cruise collection. Bago ito, una nang inilarawan ng LV ang kanilang face shield bilang ‘eye-catching headpiece, both stylish and protective’.
Dahil sa hindi ito isang ordinaryong face shield bunsod ng kakaiba nitong mga features at sa kanya na ring brand, ang naturang LV face shiled ay nagkakahalaga lang naman umano ng $961 o naglalaro sa Php 47 000!
Makikita sa naturang face shield ang iconic na leather ng LV kung saan, makikita ang Louis Vuitton monogram at ang kanilang kilalang logo. Makikita ang disenyong ito sa gilid ng mask at sa headpiece nito.
Isa rin sa pinaka-featured ng naturang face shield ng LV ay ang kanilang built-in transition lens. Kung titingnan, animo’y isa lamang itong ordinaryong face shield ngunit, dahil sa kanilang built-in transition lens ay nag-aadjust ang lens nito sa liwanag o sikat ng araw.
Maari umanong mag-iba iba ang lens nito mula sa pagiging clear papuntang dark depende sa nasasagap nitong sikat ng araw.
Sa ordinaryong face shiled, kinakailangan pang tanggalin ang buong face shield sa mukha kung gugustuhin ngunit, ang LV face shield ay hindi na umano kailangang tanggalin pa sa pangkalahatan dahil adjustable umano ang lens nito na maaaring itaas o ibaba.
Dahil sa eleganteng disenyo ng face shield na ito at ang kanyang kakaibang mga features, inaasahan na umano na kahit napakamahal ng presyo nito ay bibilhin pa rin ito ng mga tumatangkilik sa naturang luxury brand.
Ayon sa ulat, nakatakda umanong ilabas sa darating na Oktubre ang unang batch na gawa ng lehitimong LV face shield na ito ngunit, hindi sigurado kung magkakaroon din ba ng suplay nito para sa Pilipinas.
Ngayon pa man, mayroon na umanong nag-aantay para sa paglabas ng metikuloso at luxury face shield na ito.
Bago inanunsyo ng mismong Louis Vuitton brand na magkakaroon na sila ng sarili nilang bersyon ng face shield, magmula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa ay laganap na ang mga pekeng LV face mask o iyong mga face mask na may tatak na LV sa mga pamilihan.
Nang ipatupad naman na mandatory na ang pagsusuot ng face shiled, maging ang ilan sa mga ordianryong face shield na ibinebenta sa pamilihan ay mayroon na ring pekeng logo ng LV na nakadikit.
Ang mga face shield at face mask na ito na mayroong pekeng tatak ng LV ay nagkalat kahit saan, sa pamilihan man o sa aktwal na suot na ng tao. Kahit alam ng mga ito na peke lamang ang mga ito, nagagandahan pa rin ang ilan dahil sa disenyo ng iconic logo ng LV.
Ngunit, dahil sa anunsyong ito ng LV, mayroon ng maituturing na face shield na mayroong lehitimo at totoong tatak at gawa ng luxury brand na LV. Iyon nga lang, hindi lahat ay kayang maabot ang halaga nito at tuluyang bilhin.
Maliban sa luxury French brand na Louis Vuitton, ang iba pang mga luxury brand na laganap din ang pamemeke kahit sa mga face shield at face mask ay ang Hermes at Supreme.
Source: definitelyfilipino
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment