Kilalang malapit na kaibigan ng magkarelasyong sina Janella Salvador at Markus Patterson ang singer na si Kyle Echarri. Noon paman, bukas ang singer sa pagpapahayag ng kanyang suporta para sa dalawang malapit na kaibigan.
Kaya naman, hindi maiwasan na hingan ito ng pahayag ng medya tungkol sa usap-usapan na nalalapit na umanong magkaroon ng anak ang dalawa.
Sa isang press conference ng aktor at singer na ginanap noong Martes, ika-22 ng Setyembre, kaswal na natanong si Kyle kung magiging ninong ba umano ito ng ipinagbubuntis ni Janella.
Ngunit, mas pinili ni Kyle na irespeto ang pagiging pribado ng kanyang mga kaibigan. Ani pa nito sa mga reporter,
“I won’t touch on that subject. I respect their privacy.”
Ayon pa kay Kyle, ang mahalaga umano ay masaya ito para kina Janella at Markus at nakasuporta lamang siya palagi sa mga ito.
“Basta happy po ako sa kanilang dalawa, kung ano pong mangyayari sa kanila. I support them in anything that they do,” dagdag saad pa ni Kyle.
Kamakailan lang rin ay naging bahagi si Markus sa isa sa mga vlog na ibinahagi ni Kyle. Dito, isa sa mga napag-usapan ng dalawa ay ang relasyon ni Markus kay Janella.
Hindi man tahasang inaamin noong ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko, hindi pa rin maiwasan na mayroong mga tutol sa kung anuman ang namamagitan sa kanila. Dito, ibinahagi ni Markus ang lahat ng napagdaanan nila sa mga panahong iyon at kung bakit sa wakas ay ipinaalam nila sa publiko ang tunay na namamagitan sa kanila.
Ilan lamang ito sa mga napag-usapan nina Markus at Kyle sa vlog ng huli. Makailang beses pa ngang tinawag ni Markus na ‘love of my life’ si Janella habang pinag-uusapan nila ito.
“I never felt the love that she makes me feel… There is no one or nothing that could make me love at another woman the way I love Janella right now.
“Like it’s not even fair to my family how much I’m inlove with this woman because I would put her above anything else… I couldn’t live without her,” diretsahan pang naging pahayag ni Markus tungkol kay Janella.
Matapos tuluyang kinumpirma nina Janella at Markus ang kanilang relasyon sa Instagram, lumutang agad ang isyu na umano’y nagdadalang tao ang aktres at nasa United Kingdom ngayon kasama ang pamilya ni Markus.
Mas umugong pa ang balitang ito nang kinumpirma umano ng isang kaibigan ni Janella sa Philippine Entertainment Portal (pep.ph) na buntis nga ang aktres at nakatakdang manganak sa darating na Oktubre.
Alam na rin umano ito ng mga malalapit na kaibigan ng aktres. Ang paglipad naman kamakailan lang ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio sa UK ay isa rin sa mga senyales na tiningnan ng publiko tungkol sa isyu ng pagbubuntis ni Janella.
Hanggang ngayon, walang inilalabas na opisyal na pahayag ang mga panig nina Janella at Markus sa balitang ito. Hindi man kinukumpirma ay hindi rin naman dini-deny ng mga ito ang naturang ulat.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment