Wednesday, September 16, 2020

LOOK: ‘Reacting to Nakakalokang Comments’ Vlog ni Maui Taylor


Sa pinakabagong vlog na ibinahagi ng aktres at miyembro ng Viva Hot Babes na si Maui Taylor, nagbigay ito ng reaksyon sa mga pinakamadalas na iniiwang komento sa kanyang mga vlog.

Dito, ang isa umano sa mga komento na madalas iniiwan sa kanyang mga vlog ay ang pasasalamat umano nila dahil si Maui raw ang dahilan ng kanilang pagtangkad. 

Natatawang ani naman ni Maui tungkol dito,

“Thank you very, very much. Happy ako para sa inyo dahil na-achieve niyo ‘yang katangkaran na gusto ninyong mangyari sa buhay ninyo…

“If you are 6’2 right now, usually ‘yun ‘yung mga nababasa ako 6’1… 6’2, congratulations! Ibig sabihin, madami-dami kayong tissue na nasayang! Okay? Joke lang…”

Maliban dito, isa rin sa mga naging komento umano ng mga netizen ay tungkol sa kung totoo ba umano ang mga ginagawa nitong kissing scene o love scene sa kanyang mga naging pelikula.

Ayon kay Maui, ang lahat umano ng kissing scene ay totoo umano na nangyari dahil mahirap umano na e-peke ang eksenang ito ngunit, hindi umano totoo ang mga love scene sa kanyang mga pelikula.

“Lahat ng mga love scenes, daya lang… Kamera na ang bahalang gumalaw… Walang pagpatong na nangyayari,” paliwanag pa ni Maui.


Marami rin sa mga netizen ang nagtatanong tungkol sa grupo ni Maui na Viva Hot Babes at kung kailan umano magaganap ang reunion ng mga ito.

Ayon kay Maui, malapit na umano itong mangyari at mayroon na lamang silang hinihintay para opisyal itong ianunsyo.

“The reunion of the Viva Hot Babes is actually coming out soon. We are just waiting for the promo materials so that we can upload it on our social media accounts,” ani pa ni Maui.

Pinasalamatan din ni Maui sa vlog na ito ang kanyang mga tagasuporta na noon pa man umano ay nandyan na para suportahan si Maui. Sa comment section ng kanyang mga vlog, natutuwa umano ito na mabasa ang patuloy na paghanga sa kanya ng kanyang mga tagasuporta.

“Kung nasubaybayan niyo ako from ‘Anna Karenina’ to’ TGIS’ to ‘May Bukas Pa’ to ‘Bestfriends’ to all the TV shows that I did… the youth-oriented shows hanggang sa nag-sexy ako hanggang sa ngayon na mommy na ako, thank you... thank you very, very much,” mensahe pa ni Maui.


Ayon kay Maui, kung hindi umano dahil sa kanyang mga tagsuporta ay wala ito ngayon sa kung nasaan siya kaya malaki ang pasasalamat niya sa mga ito lalo na sa mga patuloy na sumusuporta sa kanyang mga vlogs.

“Basically, lahat ng mga nakukuha kong feedbacks are very very nice, very positive. Sa lahat ng mga nagsasabing ‘Idol, I’m your number one fan’, I would like to say thank you dahil kung hindi naman dahil sa inyo, hindi magkakaroon ng isang Maui Taylor… 

“Ako ang nagpapasalamat sa inyo dahil hanggang ngayon, sinusuportahan niyo ako especially dito sa ating vlogging journey,” muli pang mensahe ni Maui sa kanyang mga tagahanga.

Sa ngayon, ang vlog na ito ni Maui ay umani na ng halos 90 000 views matapos lamang ang ilang raw mula nang ito ay ma-upload.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment