Sunday, September 13, 2020

Mama Bob ni Angeline Quinto, Sumailalim sa Isang Operasyon



Ayon sa isang ulat, sumailalim umano sa operasyon ang nanay ni Angeline Quinto na si Mama Bob matapos daw nitong ma-mild stroke nitong Miyerkules, ika-9 ng Setyembre.

Dahil dito, humihingi ang singer ng dasal sa kanyang mga tagasuporta para sa kaligtasan ng kanyang Mama Bob. Ang pahayag na ito ni Angeline ay ibinahagi nito noong Huwebes, isang araw matapos ang nangyari sa kanyang nanay.

“Gusto kong kumatok sa mga puso niyo, Tulungan niyo po akong ipagdasal ang Mama Bob ko. Kailangan na kailangan po namin ng tulong niyo sa pagdadasal. Nakikiusap po ako, isama niyo po ang Mama Bob ko sa mga panalangin niyo,” ani pa rito ni Angeline.

Natapos na umano ang operasyon na isinagawa kay Mama Bob ngunit, ilang araw pa umano ang hihintayin bago ito magising.


Ayon umano sa kwento ng kaibigan ni Angeline, mayroon umanong namuong dugo sa utak ni Mama Bob kaya ito inoperahan. Update pa nga raw nito sa nangyaring operasyon kay Mama Bob,

“Papasok na ng OR si Mama Bob, please help pray for safe operation. May namuong blood sa brain due to stroke. Nanghihingi ng prayer si Angeline.”

Nitong Miyerkules, nag-aya umano si Mama Bob kay Angeline na pumunta ng Tagaytay. Ngunit, habang papunta pa lamang doon ay nagsimula nang magsuka at mahilo ang nanay ng singer.

Dahilan umano ito para agad na isugod sa ospital si Mama Bob at napag-alaman na ito ay nagkaroon ng mild stroke. Kwento pa nga umano ng kaibigan na ito ni Angeline,


“On the way sila kasi ni Angge last Wednesday sa Tagaytay dahil naglambing si Mama Bob na mag breakfast du’n at mamili sa palengke ng beef. Nasa bandang Sta. Rosa pa lang sila nahilo si Mama Bob at sumuka. Tapos namanhid na left side ata ng body.


“Isinugod nila sa Sta. Rosa hospital, mild stroke nga raw then inilipat agad sa may Lourdes (hospital) kasi du’n ‘yung doktor n’ya and nakita nga daw na may blood clot sa brain so need ng operation.”

Matapos ang paghingi ni Angeline ng dasal sa kanyang mga tagasuporta para sa kaligtasan ng kanyang nanay, muli itong kumatok sa puso ng kanyang mga fans nito lamang Biyernes upang patuloy na samahan siya ng mga ito na ipagdasal si Mama Bob.

“Ito ang pinaka-matinding pagsubok sa buhay ko. Hindi Mo ako kahit kailan binigyan ng pagsubok na hindi ko kaya. Ama, buong-buo ang tiwala at pananalig ko sa ’yo. ‘Wag mong pabayaan ang taong pinakamahal ko Ama. Please pray for Mama Bob,” muli pang saad ni Angeline.

Sa ngayon, wala pang karagdagang balita tungkol sa kondisyon ngayon ni Mama Bob sa ospital matapos ang kanyang operasyon. Wala ring mga update na ibinibigay ang singer sa kanyang mga social media account.


Dahil sa balitang ito, agad naman na naghatid ng mga panalangin ang mga tagsuporta ni Angeline at mga mensahe para tumatag ang loob nito habang kinakaharap ang pagsubok na ito.


Para sa agarang paggaling at kaligtasan ni Mama Bob, ipagdasal natin ito at ipanalangin na malagpasan niya at ni Angeline ang pinagdadaanan nilang ito.

Source: INQUIRER
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment