Saturday, September 12, 2020

Carlo Aquino, Ipinakilala ang Kanyang Anak sa Publiko


Sa pamamgitan ng isang Instagram post nito lamang ika-13 ng Setyembre, sinorpresa ng aktor na si Carlo Aquino ang kanyang mga fans at maging ang mga netizen sa kanyang naging anunsyo.

Si Carlo ay isa nang ganap na tatay sa cute na cute na baby na si baby Enola Mithi Aquino. Dito, nagbahagi ang 35 taong gulang na aktor ng larawan ng kanilang newborn baby.

“You can thank your stars all you want but… Ill always be the lucky one - Blanco

“Enola Mithi Aquino @trinacandaza,” ang ani pa rito ni Carlo.

Tagged din sa naturang Instagram post ni Carlo ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.


Agad naman na inulan ng pagbati sina Carlo at Trina para sa blessing na ito sa kanilang buhay. Nagpaabot ng pagbati sa mga ito ang mga tagahanga ng aktor at mga kaibigan nila mula sa loob at labas ng showbiz.

Ilan sa mga unang nagpaabot ng kanilang pagbati para kay baby Enola ay sina Sue Ramirez, Vhong Navarro, Jason Abalos, Rodjun Cruz, Ria Atayde, Sylvia Sanchez, Zanjoe Marudo, Nikki Valdez, Ejay Falcon, at iba pa.

Agad din na naging trendig topic sa Twitter si Carlo dahil sa pasabog niyang ito na hindi inaasahan ng publiko. Gayunpaman, sa kabila nito ay masaya umano ang publiko para kina Carlo, Trina, at sa kanilang baby.

Kung matatandaan, Enero noong unang kumalat ang balita na mayroong non-showbiz girlfriend si Carlo. Ito ay matapos ang pagtrending ng ilan sa mga larawan nito kasama sa Trina sa La Union.


Kalaunan, inamin ni Carlo sa publiko na tama ang hinala ng mga ito na girlfriend niya na nga si Trina at totoo ang mga larawan niya kasama ito.

Dahil sa anunsyong ito nina Carlo, napapansin umano ng mga netizen na sunod sunod ang ginagawang anusyo at pasabog ng mga artista ngayon tungkol sa kanilang mgs personal na buhay.

Bago kasi si Carlo, naging trending din ang ginawang anunsyo ng aktres na si Sofia Andres sa anak nito at ang anusyo kamakailan lang ng relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson.

Gayunpaman, ang importante umano ay ang pagiging malaya at masaya ng mga artista sa panibagong mga biyaya at yugto na ito sa kanilang buhay.

Heto pa ang ilan sa mga naging pahayag ng mga netizen tungkol sa anunsyong ito ni Carlo Aquino:

“omg may anak na si carlo aquino AAAAAA congrats to the parents”


“omggg carlo aquino is a daddy naaaa, parang kailan lang i was watching the bar boys pa waaah congrats to the parents!!!”

“May baby na si "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron” Carlo Aquino!”

“dami pasabog ng showbiz ah may anak na pala si carlo aquino congrats!”

“Hala! Totoo ang chismis din. Ayon! May baby na rin si carlo aquino.”

“Carlo Aquino, Tatay naaaa! Wowww! Congratulations Childhood crush.”

“Tangina may anak na si carlo aquino. Shookt is me”

“may anak na si carlo aquino eto na ang matinding go signal para mag move on na cargel babies hahahahaha”
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment