Thursday, September 10, 2020

Pokwang, Emosyonal sa Pag alis ng Yaya ni Malia; Napaiyak ito nang Malamang hindi na Babalik


Hindi na bago sa lahat ang malaman na malapit ang loob ng artista at komedyanteng si Pokwang sa kanyang mga yaya o kasambahay.

Madalas itong nakikita sa mga larawan na ibinabahagi ni Pokwang sa kanyang mga social media accounts o di kaya ay sa mga vlog na kanyang inilalabas.

Kaya naman, hindi kataka-taka kung bakit naging emosyonal ang komedyante sa pag-alis sa kanila ng itinuturing niyang ‘the best’ yaya na si Yaya Gina. Ayon kay Pokwang, sanggol pa lamang ang anak niyang si Malia ay ito na umano ang tumutulong sa kanya sa pag-aalaga rito.

Kwento ni Pokwang, nang magkaroon umano ng pandemya ay kusang loob niyang pinauwi ang kanyang mga kasambahay lalo na si Yaya Gina na mayroon ding maliit pa na anak. Kahit hindi man daw kasi sabihin ng mga ito, bilang ina ay ramdam umano ni Pokwang ang pag-aalala ng mga ito para sa kanilang mga pamilya.


“Nag-decide ako na pauwiin sila kahit hindi siya nagsasabi. But I can feel as a mother. I understand. And alam ko ‘yung nag-aalala sila sa pamilya nila especially Yaya Gina.

“Meron siyang three years old na anak. Mas matanda lang kay Malia ng halos one year,” kwento pa ni Pokwang.

Ayon pa sa komedyante, kahit na pinauwi nito ang kanyang mga kasambahay ay nilinaw nito sa mga ito na bukas ang kanilang tahanan para sa anuman nilang pangangailangan.

Ngunit, dahil na rin sa sitwasyon, napagdesisyunan umano ni Yaya Gina na umalis na lamang ng tuluyan sa kanila ni Pokwang upang mas maalagaan na rin ang kanyang anak at pamilya. Dahil nga napamahal na kina Pokwang si Yaya Gina, hindi nito napigilan na maging emosyonal sa pag-alis nito.

“I miss her. Bukas naman ‘yung tahanan namin kung babalik siya. Alam ko nag-aalala lang siya doon sa maliliit niyang anak kaya hindi na siya makabalik…


“At nauunawaan ko naman bilang isang ina. Maraming salamat yaya Gina, bukas lagi ang aming tahanan para sa ‘yo,” dagdag pa ni Pokwang.

Hindi rin maitanggi ni Lee O’Brian, ang mister ni Pokwang, na naging parte na ng pamilya nila si Yaya Gina. Apektado rin si Lee sa pag-alis ni Yaya Gina dahil ani pa nito, mabuti itong yaya kay Malia at talagang pinagkakatiwalaan din nila ito.

“We like Gina. Gina is a good yaya. She’s very thoughtful, very hands on to Malia. And you know, we can really trust her…

“She’s just really focused on taking care of Malia. It made us really feel comfortable and it gave us assurance that if we were seeing Malia and watching her, at least we know she is good hands being taken care of,” ani pa ni Lee.



Sa ngayon, nakahanap na ng kapalit ni Yaya Gina sina Pokwang at bilang pagsalubong ay ipinagdiwang ng mga ito ang kaarawan ng kanilang bagong Yaya, si Yaya Donna. Pahayag pa ni Pokwang tungkol dito,

“Ang daming naging epekto nitong pandemic na to sa ating lahat, at siyempre sa pamilya namin, may mga bagay at tao na kailangan namin i-let go para sa ikabubuti nila…

“Gayunpaman, may mga bagong tao din tayong wine-welcome sa ating bahay at gusto din naman namin na maramdaman nila na parte sila ng aming pamilya.”


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment