Thursday, September 10, 2020

Tim Sawyer, May Anak Daw sa Ibang Babae?



Isang babae mula Cagayan de Oro ang dumulog kamakailan lang sa programa ni Raffy Tulfo upang isiwalat na umano’y mayroong anak sa kanya ang vlogger na si Tim Sawyer.

Ayon kay Winhelyn Zyra Romero, 13 taong gulang na umano ang anak nila ni Tim ngunit itinatanggi umano ng vlogger na anak niya ito.

Kwento pa ni Winhelyn, magkaklase umano sila ni Tim noong high school ngunit, muli lamang silang nagkita noong 2007 matapos niyang mahiwalay sa kinakasama niyang foreigner. Matapos nito ay nagkroon umano sila ng relasyon ni Tim at nagsama pa umano sa bahay mismo ng vlogger sa Cagayan.

Isang taon umano ang itinagal ng kanilang pagsasama kung saan nabuntis nga si Winhelyn. Alam umano ito ng mga kaibigan at pamilya ni Tim na tanggap siya noong sila’y nagsasama.



Dagdag pa ni Winhelyn, wala na umano itong plano na habulin pa si Tim dahil hindi na rin naman umano ito kumocontact sa kanila ngunit, hindi niya umano nakayanan nang mag-post si Tim sa Facebook ng paninira sa kanya, sa kanilang anak, at sa iba niya pang mga anak.

Ayon naman kay Tulfo, ang solusyon lamang umano dito ay ang pagsailalim nina Tim at ng panig ni Winhelyn sa DNA test. Ngunit, ang problema nga lang ay ayaw umano ni Tim na sumailalim dito.


Bagama’t aminado ito na kilala niya si Winhelyn, itinatanggi nito na siya ang ama dahil hindi niya umano pangalan ang nasa birth certificate ng bata.

“Bakit po sa akin napupunta ‘yung pagpapa-DNA test kung may nag-claim po sa bata na may tatay? Diba po dapat ata ‘yung tatay po ‘yung magpapa-DNA test to prove kung ‘yun ba talaga ang tatay ng anak niya…

“Bakit ako magpapa-DNA test, eh may tatay… may magulang ‘yung bata? Bakit ako ‘yung parang obligado na magpa-DNA na at the first place, may magulang ‘yung bata,” katwiran pa ni Tim.



Paliwanag naman dito ni Winhelyn, noong nabuntis daw siya ni Tim, sinabi umano nito na hindi pa siya handa dahil nga sa kagustuhan nito na mag-artista. Nang mga panahong iyon, ayaw niya umano na lumaking walang ama ang kanyang anak kaya pumayag ito na makipagbalikan sa dating foreigner na kinakasama niya at ito ang inilagay niya bilang ama ng bata sa birth certificate.

“Ano bang mawawala sa’yo, Tim? Tanong ko lang? Hindi ka aasenso kung hanggang ngayon, dala-dala mo pa rin ‘to. Alam mo ba ‘yun? Hindi ka na naawa sa bata,” emosyonal pang ani ni Winhelyn kay Tim.

Sa kabila ng pauli-ulit na pagkumbinse ni Raffy kay Tim na magpa-DNA test na lamang para matapos na ang lahat at magkaalaman na, matigas na itinatanggi ni Tim ang pagsailalim sa DNA dahil hindi raw siya ang ama ng bata.


Kaya naman, kapag hindi pa rin umano pumayag ang huli na magpa-DNA test, maaaring ang korte na umano ang gumawa ng paraan para obligahin si Tim na magpa-DNA test.


Kagaya ni Tulfo ay nais din ng mga netizen na tanggapin na lamang umano ni Tim ang alok na sumailalim ito sa DNA test kung talagang sigurado ito na hindi kanya ang naturang bata. Ani pa ng mga ito, kung nagsasabi ito ng totoo ay sasang-ayon umano si Tim na magpa-DNA test na lamang.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment