Tuesday, September 8, 2020

TRENDING STORY: “Pastora, pa-pray naman po.”



Agad na naging trending at naging inspirasyon para sa marami ang pangyayaring ito na ibinahagi ng isang Ianne Ventura sa Facebook kung saan, humingi ng panalangin sa kanyang nanay na isang pastora ang isang fronliner.

Ayon kay Ventura, papunta umano sila sa isang mall ng kanyang nanay sa Angeles City, Pampangga ngunit, bago pa makarating doon ay hinarang umano sila ng isang pulis.

Ito umano ay dahil sa mga ipinapatupad na protocol bilang pag-iwas sa COVID-19. Kwento pa ng netizen,

“Kahapon, naharang kami sa Marquee exit. Hindi daw sila nagpapapasok ng hindi AC residents.

“Nung sabi ng mama ko na sa Marquee lang kami at hindi siya nagsisinungaling dahil Pastora siya, sabi ng police na si Sir Cato… ‘Sige po Maam patabi nalang po don.’”


Nang malaman umano ng naturang pulis na pastora ang kanyang nanay, pinatabi umano sila nito kaya gumilid din sina Ventura.

Matapos nito, lumipat umano sa kanila ang naturang pulis at sinabing,

“Pastora, pa-pray naman po.”

Kaya naman, gaya ng makikita sa larawan na kanyang ibinahagi ay nagdasal ang kanyang nanay na pastora at ang naturang pulis na humiling dito ng dasal.


Ayon kay Ventura, hindi umano pansarili ang mga ipinagdasal ng naturang pulis. Ipinagdasal umano nito kasama ng pastora ang kanyang pamilya at kapatid nito na sumasailalim sa isang pagsasanay. Maliban dito, ipinagdasal din umano ng pulis ang kaligtasan ng lahat mula sa pandemya.


Kwento pa ni Ventura,

“And then we prayed… Thank you Sir Cato for showing love to the people by serving us wholeheartedly. May your prayers come to pass in Jesus Mighty Name, Amen!”

Masaya umano si Ventura at ang kanyang nanay dahil kahit papaano ay nakatulong umano sila na mapagaan ang loob ng naturang pulis sa kabila ng pinagdadaanan nito ngayon bilang isang frontliner.

Naantig naman ang puso ng maraming mga netizen dahil sa pangyayaring ito na ibinahagi ng naturang netizen. Natutuwa ang mga ito na malaman ang mahigpit na pagkapit ng naturang pulis sa panalangin sa Diyos na siyang lubos na kailangan ngayon.

Ayon sa mga netizen, panalangin at pananalig sa Diyos ang pinakamabisang panlaban sa kinakaharap ngayon ng marami at siyang makakapagligtas sa lahat. Hinihiling din ng mga ito na isama sa panalangin ng lahat ang mga frontliner na nakikipaglaban sa pandemya.


Sa ngayon, umabot na sa mahgit 60,000 ang nalilikom na mga reaksyon ng nakakaantig na Facebook post na ito ni Ventura at shares na umaabot na din sa mahigit 26,000.

Heto ang ilan pa sa mga reaksyon at komento na ibinahagi ng mga netizen tungkol dito:

“Yes in times of crisis and pandemic, no other else to Lean to but the Almighty. God is always good all the time.”

“This is what we need. Let’s pray for each other. God bless po.”

“God bless our Frontliners! Nakakatindig balahibo kapag mga ganitong news nababasa.”


“Haist naging emotional naman ako dito. Sana gabayan ang mga frontliners sa buong mundo. At sating lahat sana matapos na ang pandemic.”

“Tumulo luha ko dito. Yes, prayer is the most powerful defense against this virus. God bless po kay Mr. Policeman and to all frontliners.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment