Saturday, October 24, 2020

Alex Gonzaga at Kanyang Pamilya, Nagkaroon ng C0VID-19

Nito lamang Biyernes, inihayag ni Alex Gonzaga sa kanyang vlog na nagpositibo ito sa COVID-19 pati na rin ang kanyang pamilya at ang fiance nito na si Mikee Morada. Ngunit, bago pa man niya ibahagi ang vlog ay nilinaw ni Alex na naka-recover na silang pamilya mula rito.

Ayon kay Alex, lahat ng mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay ay magiliw niyang ibinahagi sa kanyang vlog para sa kanyang mga tagasuporta. Kaya naman, minarapat na rin nito naibahagi sa mga ito ang isa sa pinaka-malungkot din na nangyarii sa kanyang buhay.

Dahil sa hindi inaasahang pagkakaroon niya ng COVID-19, napilitan si Alex na ipagpaliban ang ilang mga nakaplano na sana sa kanyang buhay. Kabilang na dito ang hindi niya umano pagpapakita sa bagong show kung saan siya ay kabilang sa mga host.

“Maraming nagtatanong sa akin kung bakit di pa ko lumalabas sa Lunch Out Loud. Hindi po ako nagpapakita sa show kasi nagka-COVID po ako and thank God ako ay naka-survive. Actually the whole family… 

“I’ve been sharing all the highs of my life. I shared with you our Christmas together, our new year, my engagement. But it is also nice if I could share with you the lows,” pagbabahagi pa ni Alex.

Aminado ito na noong una, nagalit ito dahil nahawaan siya ng COVID-19 dahil lamang sa isang bagay na hindi ginawan ng pag-iingat. Naging dahilan ito upang ipagpaliban niya rin ang isang importanteng pangyayari sa kanyang buhay --- ang makasal sila ni Mikee.

“Gusto ko ikasal ngayon kasama 'yung family, konting friends pero dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay, nakuha namin COVID,” ani nito.

Sa kanyang vlog, mapapanood ang mga panahong mataas pa ang emosyon ni Alex dahil nga sa ‘frustration’ nito nang malamang nagpositibo siya sa COVID-19. Ngunit, humupa na rin ito habang dumadaan ang mga oras at araw na unti-unti na niyang natatanggap na positibo nga ito at ang kailangan niyang gawin ay magpalakas at gumaling.


Sa kanilang pamilya, bukod kay Alex ay nagpositibo rin ang kanyang Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Nahawaan din umano ng COVID-19 ni Alex ang kanyang personal assistant na si Sofie at si Mikee.

Ang mga ito ay asymptomatic naman mula sa virus ngunit, si Alex ang umano’y mayroong mas maraming sintomas na naramdaman sa kanyang katawan. Ilan sa mga sintomas na ito ay ang pagkawala ng kanyang panlasa at pang-amoy pati na rin ang pagbigat ng kanyang pakiramdam. 

Gayunpaman, sinikap ni Alex na gumaling mula rito. Makikita sa kanyang vlog na sinikap nitong kumain at magpalakas sa kabila ng nararamdaman. Biro pa nga nito, mukhang gumigising na lamang umano siya upang alamin kung anong oras siya ulit matutulog dahil isa rin sa dapat niyang gawin ay ang matulog.

Sa kanilang bahay, hiwa-hiwalay sila ng kwarto ng kanyang mga magulang at mayroong harang sa kanilang mga pintuan. Nang matapos na ang kanilang isolation period ay tinanggal din nila itong lahat sabay ng pasasalamat na natapos na din nila ang kanilang pinagdaanan.

Sa muli nilang pagpapa-swab test, masaya ang aktres at vlogger na ibalitang negatibo na ito mula sa COVID-19 pati na rin ang kanyang mga magulang, si Mikee, at si Sofie. Siniguro ni Alex sa kanyang mga tagahanga na maayos na ang kanyang pakiramdam at ligtas na ito mula sa COVID-19.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment