Sunday, October 25, 2020

James Reid, Napikon nga ba sa Kanyang mga Bashers?


Ayon sa ilang mga netizens na karamihan ay tagasuporta dati ng aktor at singer na si James Reid, bukod sa pagbabago raw sa itsura nito ay mukhang napipikon na rin umano si James sa mga ibinabato sa kanya ng mga basher.

Nagsimula raw marahil ito nang mapansin ng marami ang pag-iiba sa itsura ni James gaya na lamang ng bago nitong hairstyle at maging sa umano’y estilo na rin ng pananamit. Noong una, masaya ang mga fans ng aktor para sa pagbabagong ito dahil bumagay naman daw ito kay James. Kinilig pa nga ang karamihan sa bagong look niyang ito.

Ngunit, nang kalaunan ay napansin ng marami na hindi lamang sa buhok ng aktor ang mayroong pagbabago. Ayon sa ilang mga netizens, mukhang nag-iba na rin daw ang pangangatawan ni James na dati ay kilalang fit kaya madalas pa nga itong kunin bilang endorser.

Ngunit, ngayon daw ay kapansin-pansin na hindi na kagaya ng dati ang pangangatawan ni James. Puna pa ng ilan, mukhang lumapad din umano maging ang mukha ng aktor.

Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi na napigilan ng aktor ang sarili at naghayag ng kanyang opinyon dito. Hindi man malinaw, giit ng maraming mga netizen at basher na rin ng aktor na ang mga pahayag na ito ni James ay tungkol sa mga pamumuna sa kanya ng marami.

Ilang araw ang nakakraan, nagbahagi raw ng ilang mga pahayag ang aktor sa social media kung saan, isinaad nito na wala raw siyang obligasyon sa ibang tao kaya wala siyang dahilan para ipaliwanag ang kanyang sarili sa mga ito.


Dagdag pa nito, buhay niya umano iyon at hindi ng iba kaya malaya siyang gawin ang anuman na kanyang gugustuhin. Walang sinuman ang may karapatan na pakialaman siya sa anuman na gusto niyang gawin.

Ngunit, ilang araw lang din ang itinagal ng mga pahayag na ito ni James na ipinost niya sa social media dahil agad niya rin itong tinanggal o binura sa hindi rin malamang dahilan.


Dahil sa ginawang ito ni James, mas umatake pa rito ang kanyang mga ‘bashers’ na karamihan daw ay dating mga tagasuporta ng aktor at singer. Ayon sa mga ito, kaya raw ganoon magsalita si James ay dahil daw sa ‘wala na syang career’ o ‘dahil laos na siya’.

Ayon pa sa mga ito, ang hindi raw pagkakaroon ng konekyon o management ngayon ni James ay siguradong mayroong malaking epekto sa karera nito lalo na sa panahong ito na mayroong pandemya. Dagdag ani ng mga bashers na ito, bagama’t maganda ang layunin ni James ay mukhang bad timing ang desisyon nito na humiwalay sa kanyang management.

Dagdag pa umano sa marahil ay hirap ni James habang nagso-solo ay ang pagsasara ng ABS-CBN at ang pagkakaroon ng lockdown. Mayroon man itong mga nakatakdang proyekto, maaaring naipagpaliban muna ito dahil sa sitwasyon.


Gayunpaman, sa kabila ng mga pambabash na ito kay James, hindi pa rin naman nawawala ang mga tapat nitong fans na handang ipaglaban at idepensa ang aktor mula sa mga nambabatikos sa kanya. Mas lamang pa rin naman ang mga taong nagmamahal dito at hiling lamang ang kanyang kasiyahan ngayon.

Source: philstar

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment