Komplikado at masalimuot ang ibinahaging Facebook post ng isang Jhuno Almadin tungkol sa pagtataksil na ginawa ng kanyang boyfriend at live-in partner sa loob ng 12 taon.
Ayon sa netizen, niloloko na pala ito ng naturang boyfriend dahil mayroon din itong relasyon sa kabit mismo ng kanyang tatay. Sa naturang Facebook post ay inihayag niya ang kanyang galit sa dalawa na parehong niloko ito at ang kanyang pamilya.
Ayon kay Jhuno, pinulot lamang daw ng kanyang tatay na si Capt. Crispin Almadin Jr. ang babaeng si Roanne Darroca o kilala rin sa pangalang Monique. Sa kabila ng pagiging kabit nito ay binigyan ito ng magandang buhay ng kanyang tatay at tinanggap ng pamilya nito dahil ikanga ay mahal nito ang tatay ni Jhuno.
Ngunit, ang matagal niya nang hinala na umano’y ‘paglalandian’ daw ni Monique at ng live-in partner ni Jhuno na si Nyok ay totoo pala. Matagal na pala umanong may relasyon ang dalawa at niloloko silang pamilya.
“Napulot ka lang sa CLUB Roane Darroca aka MONIQUE (SA LANAI, CUBAO). Binihisan ka na’t lahat ng tatay ko, ginawang tao, tinulungan makaahon sa putik, at minahal ng buong-buo ng tatay ko at ng BUONG PAMILYA ng TATAY ko…
“Ito ba ang kapalit sa lahat ng naitulong at kabutihan ng tatay ko? Sa lahat ng magandang pakikisama ng buong angkan ng tatay ko. Kinuha mo na ang lahat-lahat sa aming PAMILYA. Hindi ko alam na pati ang BOYFRIEND ko eh KUKUNIN MO NA DIN PALA. Akala ko naman matagal nang tapos ang LANDIAN-SERYE ninyo ng BOYFRIEND ko,” mabigat pang mga pahayag ni Jhuno.
Ayon sa netizen, nagsimula ang umano’y pagtataksil ng dalawa nang minsang sinabi ni Monique na gusto nitong matutong magmaneho. Sinabi nito sa tatay ni Jhuno na gusto niyang si Nyok na boyfriend ng netizen ang magturo rito.
Sa kabila ng hinala ni Jhuno na maaaring mayroong namamagitan kina Monique at sa kanyang boyfriend, pumayag pa rin ito at hinayaan na si Nyok ang magturo ditong mag-drive.
Hanggang sa malaman na nga nila ang kataksilan ng dalawa sa kanilang pamilya. Sa pagpanaw ng tatay ni Jhuno, ibinunyag niya ang tungkol sa kataksilan ng kabit nito upang bigyang hustisya ang ginawa nitong panloloko sa kanila ng ilang taon.
“Walang EXPLANATION kung ano ang nararamdaman ko at ng aking buong pamilya sa ginawa niyo ng boyfriend ko. HINDI LANG AKO AT ANG TATAY KO ANG NILOKO NINYO.
“Lahat ng tao eh niloko at pinaniwala mo na ‘TUNAY KANG NAGMAMAHAL SA TATAY KO’. Na ang buong akala ng lahat ay HINDI LANG PERA ANG KAILANGAN MO SA TATAY KO,” dagdag pahayag pa ni Jhuno.
Ang mas malala pa sa pangyayaring ito ay nang matuklasan daw ng netizen na ang inakala niyang mga kapatid niya sa ama na anak nina Monique at ng kanyang tatay ay hindi pala totoo. Ito ay dahil ang tunay na ama ng naturang mga bata ay ang kanyang boyfriend. Pruweba ito ng matagal nang pagtataksil at panloloko sa kanila ng dalawa.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment