Maraming mga fans ang nagulat nang magbahagi si Kris Aquino ng isang matindi at makahulugang mensahe para kay Herbert Bautista na minsang naging parte ng kanyang buhay.
Sa Instagram, nagsimula ito nang mayroong isang fan si Kris na nag-iwan dito ng komento tungkol sa kanyang pagbabalik. Ani ng netizen na ito,
“Our mami Kris is back. Thak you Lord. We can't wait to hear your voice and see you again.”
Isa namang makahulugang sagot ang ibinahagi rito ni Kris at mayroong binanggit tungkol sa taong hindi raw ito ipinaglaban. Sagot pa rito ng Queen of all Media,
“'Yung tatay nyo hindi ako pinaglaban kaya bumilib ako sa (heart emojis).”
Mabilis namang na-gets ng netizen na ito kung sino ang tatay raw na tinutukoy rito ni Kris --- walang iba kundi si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista. Kaya naman, agad nitong kinuha ang atensyon ni Herbert at itinag ito sa kanyang muling sagot kay Kris.
Hindi naman nabigo ang netizen dahil nagkomento rin dito si Herbert. Ani nito sa pahayag ni Kris tungkol sa umano’y hindi niya ito ipinaglaban,
“Anong hindi?”
Ngunit, masyadong naging diretsahan at matindi ang sumunod na sagot dito ni Kris kung saan, inihayag nito na si Herbert ay isa nang ‘closed chapter’ sa kanyang buhay.
Pagbabahagi pa ni Kris, matagal umano siyang naghintay para kay Herbert ngunit pinagod lamang siya nito kaya huwag daw nitong baguhin ang paglalahad ng kung ano ang nangyari.
“Please don’t REWRITE history. You didn’t when it mattered. This isn’t the venue to debate the past, i thought we already did that far too many times?
“Tanong lang -- bakit 'pag nararamdaman mong dinededma ka na, bakit kailangan magparamdam ka? 'Di ba napaka-selfish na attitude nun?
“MATAGAL kitang hinintay pero PINAGOD mo ang buong pagkatao ko kaya for me you are already a closed chapter,” ani pa rito ni Kris.
Nakuha naman nito ang atensyon ng maraming mga netizen na nagulat dahil sa diretsahan at masakit daw na pahayag ni Kris. Naging trending ito kung saan marami ang nagsasabing nakakarelate sila sa nais nitong ipahiwatig.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang naging on and off na relasyon nina Kris at Herbert. Saksi ang mga ito sa pangyayari sa relasyon ng dalawa na ilang beses nang naudlot at muli na namang bumalik. Ngunit, sa pagkakataong ito ay mukhang tuluyan nang isinara ni Kris ang tungkol sa kanila ng dating mayor at aktor.
Noong nakaraang taon, mayroon ding inihayag na mensahe si Kris tungkol kay Herbert. Dito, isa ring makahulugang mensahe ang kanyang iniwan tungkol sa namagitan sa kanila.
“Mayor Herbert falls in the category of LOVING THE IDEA OF ALL THAT COULD HAVE BEEN… He is too set in his ways, as I am in mine... and between the two of us, sa sobrang excess baggage, the airplane could never have taken off,” ani pa rito ni Kris.
Nakatuon ngayon ang atensyon ni Kris sa kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby. Sa muling pagbabalik nito bilang endorser ng isang brand, marami sa mga tagasuporta nito ang natuwa at naghayag ng suporta.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment