Para magbigay ng ‘awareness’ sa mga kabataan ngayon, ibinahagi ng netizen na ito ang mga naging dahilan umano kung bakit ito nastroke kahit bata pa ito.
Ayon sa netizen na si Liez, ang pag-abuso umano sa katawan ang isa sa mga dahilan kung bakit nauwi ito sa stroke nang hindi niya inaasahan.
Sa kanyang Facebook post, ikinwento nito ang kanyang mga pinagdaanan bago ma-stroke hanggang sa tuluyan na nitong hindi maigalaw ang kalahati ng kanyang katawan.
Pagbabahagi pa nito, pumunta umano silang Maynila noon kasama ang kanyang mga kaibigan upang dumalo sa isang kasal. Ang saya-saya pa umano nito noon at walang kaalam-alam sa mangyayari.
Matapos ang naturang kasal, kahit alas 3 ng madaling araw na umano sila nakauwi mula rito, nang nag-umaga na ay naligo pa rin umano si Liez kahit galing ito sa puyat. Namasyal pa umano ito hanggang sa naabutan na naman siya ng madaling araw na hindi pa rin umuuwi o nagpapahinga.
Mula sa isang casino sa Okada Manila, umuwi na umano sina Liez sa hotel bandang alas 2 ng madaling araw. Ngunit, nang makauwi na umano ito sa kanilang tinutuluyan at naupo, bigla na lamang daw itong nakaramdam ng kaba. Sa kabila nito, hindi niya umano pinaalam sa mga kaibigan ang kanyang naramdaman.
Hanggang sa hindi na umano ito makatayo pa kaya agad humingi ng tulong ang kanyang mga kaibigan. Kinunan umano siya ng blood pressure ng medics ngunit pagkatapos nito, umayos na umano ang kanyang pakiramdam kaya bumalik na rin sila sa hotel.
Ngunit, kinabukasan, isinugod umano si Liez ng kanyang mga kasama sa ospital dahil hindi ito agad nagising at hindi na umano maintindihan ng mga ito ang mga sinasabi ni Liez. Pagdating sa ospital, kinuhanan lamang umano siya ng dugo. Normal lang din umano ang resulta ng kanyang mga laboratory tests.
Kaya naman, bumalik na naman ulit sina Liez sa kanilang hotel na parang wala lamang nangyari. Natulog pa umano ito ngunit, bandang alas 6 ng gabi ay inatake na naman si Liez.
Sa pagkakataong ito, hindi na umano maigalaw ni Liez ang kanang bahagi ng kanyang katawan at utal na rin ito kung magsalita. Kaya naman, isinugod ulit ito sa ospital. Sa pagkakataong ito, base sa resulta ng MRI ni Liez ay stroke nga ang nangyari sa kanya.
Tuluyan na ring hindi naigalaw ni Liez ang kanang parte ng kanyang katawan. Kaya naman, isang buwan itong nanatili sa ospital hanggang sa unti-unti na itong nakarecover sa tulong ng kanyang Physical Therapist.
Bagama’t maayos na ngayong nakakalakad si Liez, hindi pa rin ito tuluyang nakakarecover mula sa pagkaka-stroke. Ngunit, ipinagpapasalamat pa rin nito na kahit papaano ay maayos na ang kanyang kalagayan at nagkaroon siya ng pangalawang buhay.
Ito ngayon ang mensahe na nais ipahatid ni Liez sa mga kabataan. Hindi porke’t bata pa umano ang mga ito ay pwede na nitong abusuhin ang kanilang mga katawan. Kahit bata pa, maaari rin umanong mastroke ang mga ito dahil sa sobrang pang-aabuso at hindi pag-aalaga sa sarili.
Kaya naman, babala niya sa mga ito, alagaan ng kabataan ang kanilang mga katawan at huwag iasa na porket bata pa ang mga ito ay hindi bibigay ang kanilang mga katawan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment