Friday, October 16, 2020

Jessy Mendiola, Hindi si Luis Manzano ang Itinuturing na ‘Ideal Man’?


Kamakailan lang ay naging panauhin ni Angeline Quinto ang aktres na si Jessy Mendiola para sa ‘PadaLOVE’ segment ng kanyang vlog.

Dito, bukod sa pagkukwentuhan ay nagkabukingan din sina Jessy at Angeline tungkol sa ilang mga bagay tungkol sa aktres.

Isa nga sa mga naikwento rito ni Jessy ay ang tungkol sa kanyang kasalukuyang karelasyon o boyfriend na si Luis Manzano. Bagama’t masaya ngayon ang dalawa sa kanilang relasyon, ayon kay Jessy ay hindi niya umano nagustuhan ang host noong una silang magkakilala nito.

“Naku, hindi. Hindi talaga kami same ng personality ni Luis. Napapansin niyo naman si Luis, napakakulit. Tapos ako ano, kalma lang akong tao…

“Pero siguro, more of naging parehas na rin ‘yung hilig namin nung nagkakilala kami ng husto. Pero ‘nung simula palang talaga, as in talagang… hindi ko talaga siya type. Hindi talaga siya ‘yung ideal na gusto ko,” pagbubunyag pa nga ni Jessy.

Ayon sa aktres, ang nakikita niya raw dati na ‘ideal’ man ay iyong moreno, tahimik, at misteryoso. Ngunit, kabaliktaran ng mga iyon si Luis na isang mestizo at makulit. Para kay Jessy, patunay umano ito na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari ang mga inaasahan mong bagay.

“Kumbaga, ito ‘yung proof na… minsan talaga you don’t end up with ‘yung ideal na nakikita mo sa tao,” ani pa ni Jessy. 


Maliban dito, naging bukas din si Jessy sa pagbabahagi na mayroong mga punto sa kanilang relasyon na hindi sila nagkaintindihan ni Luis. Sa mahigit apat na taon nilang pagiging magboyfriend-girlfriend, na-aayos naman daw nila ito at alam nilang dalawa na normal itong nangyayari sa isang relasyon. 

“‘Yung pagkakaiba niyo as individuals, nagka-clash. Marami kaming ganun. Syempre hindi naman namin pwedeng sabihin na ‘ay hindi, wala kaming away, perfect relationship namin’. Of course, not.

“Marami kaming beses na hindi din talaga… hindi laging masaya. Hindi laging magaan ang relasyon. Marami din talagang pagdadaanan. Pero we always make sure na at the end of the day, maaayos namin ‘yun bago kami matulog,” kwento pa nga rito ni Jessy.

Sa kabila nito, nakikita umano ni Jessy si Luis bilang kanyang ‘the one’. Naantig naman si Angeline sa diretsahang pahayag na ito ni Jessy. Ayon sa host, nakikita nya rin daw kasi kung paano ang epekto ni Jessy kay Luis na kanya ring kaibigan. 

Dagdag kwento naman ni Jessy, isa umano sa pinaka nagustuhan niya sa boyfriend ay ang pagkakaroon nito ng ‘good heart’ lalong lalo na sa mga nangangailangan. Saksi umano siya sa pagtulong nito na kadalasan ay ayaw nitong ipaalam na galing sa kanya.

Sa naturang panayam ay naibahagi din ni Jessy kay Angeline ang naging set-up nila ni Luis nang magkaroon ng lockdown o ECQ.

Ayon kay Jessy, noong nagka-ECQ ay hindi sila nagkasama ni Luis dahil nanatili sila sa kanya-kanya nilang mga tahanan. Muli lamang silang nagkita noong naibaba sa GCQ ang kondisyon ngunit, sandali lang din ito dahil nagkaroon na ulit ng MECQ.

Gayunpaman, maayos naman umano ang komunikasyon nila ng boyfriend at updated umano ang mga ito sa isa’t-isa lalo na sa kanilang work-out routine.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment