Trending ngayon sa Facebook ang video ng isang babae na ito sa Davao na nag-iskandalo dahil hindi pinapasok sa isang supermarket. Sa video, makikita na walang suot na facemask o faceshield ang babae kaya hinarangan ito na pumasok sa establisyemento.
Ngunit, nagpumilit daw ito na pumasok at nang hindi pa rin ito pinayagan, nang-harass daw ito ng mga naka-duty roon na pulis na siyang sumita sa kanya. Pinagtutulak nito ang pulis na pilit pumipigil sa kanya dahil ipinipilit nito ang gusto.
“Na unsa diay ka maam? PROTOCOL mana sa atung DAKBAYAN nga NO FACE MASK, NO FACE SHIELD, NO ENTRY sa mga ESTABLISHMENT. Nganung mang-haras man ka’g ON DUTY nga pulis kung di ka PASUDLON?” saad pa ng netizen na nagbahagi ng post.
[Anong nangyari sa’yo maam? Protocol naman ‘yan sa ating siyudad na No Facemask, No Face shield, No entry sa mga establishment. Bakit ka nangha-harass ng naka-on duty na pulis nung hindi ka pinapasok?]
Dagdag ani pa ng netizen, ipinagmamalaki daw ng babae na mayroon itong kakilalang ‘general’ kaya ipinipilit nito na makapasok pa rin sa supermarket kahit na nilabag nito ang ipinapatupad na protocol.
Gayunpaman, hindi umubra sa mga kapulisan doon ang sinasabing ito ng babae dahil kahit na may kilala itong ‘general’ daw ay hindi pa rin ito dahilan para maging ‘exempted’ ito sa pagsunod sa ipinapatupad na protocol.
Kailangan daw na masampolan ang naturang babae na porke’t mayroon itong mataas na opisyal na kilala ay mayroon na itong karapatan na hindi sumunod sa batas. Sa video, makikita na kahit patuloy pa rin itong nagwawala ay tuluyan pa rin itong isinakay sa police patrol.
Ipinipilit nito na siya raw ang unang tinulak ng mga kapulisan doon ngunit, iba ang sinasabi ng mga saksi na nakakita sa ginawa nitong pag-eeskandalo. Ani ng mga ito, ang babae ang siyang unang nanulak dahil galit ito matapos siyang harangan at hindi tuluyang nakapasok.
“Pwede diay na kung NEGOSYANTE / KWARTAHAN / DAGHAG KAPIT NA GENERAL EXEMPTED? Dapat jud ka ma-SAMPOLAN maam kay daghan pang mo-sundog nimu kung makuha raman diay sa AREGLO,” dagdag pa ng netzen.
[Pwede pala ‘yun na kapag negosyante / mayaman / maraming kapit sa general, exempted? Dapat lamang na ma-sampolan ka ma’am dahil marami ang tutulad sa’yo kapag pinalampas lamang ang ginawa mo.]
Agad naman na naging trending ang ginawang ito ng naturang babae at umani ng kabi-kabilang reaksyon mula sa mga netizen. Ani ng mga ito, talagang mayroon daw talagang mga tao na nakakalusot sa mga batas dahil sa kanilang kapit sa mga matataas na opisyal.
Kaya naman, tama lamang ang ginawa ng mga pulis sa babaeng ito na hindi nagpatinag sa mga sinabi ng babae. Dapat na maturuan ng leksyon ang ginawa nito upang hindi na tularan pa ng iba.
Sa ginawa umano ng babae, bukod sa ginawa nitong gulo dahil sa kanyang pag-eeskandalo, inilagay niya pa sa peligro ang mga taong naroroon dahil sa hindi nga nito pagsunod sa protocol na siyang dahilan kung bakit ito hinarang.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment