Monday, October 12, 2020

Lloyd Cadena, Nagparamdam Daw sa Bagong Vlog ni Mother Kween


Sa bagong vlog na ibinahagi ni Mother Kween, ang nanay ng namayapang vlogger na si Lloyd Cadena, mayroong napansing kakaiba ang mga netizen na umano’y narinig nila rito.

Sa naturang vlog, nagparamdam umano si Lloyd sa kanyang nanay matapos na mayroon silang marinig na boses ng vlogger sa ilang bahagi ng video.

Ayon sa mga netizen, sa bandang 6:47 ng video ay maririnig umano si Lloyd na sinasabing ‘MA’. Sa bandang 6:39 naman ay maririnig itong sinasabi ang ‘HELP’ habang sa bandang 6:45 ay ng video maririnig si Lloyd na sinasabing ‘KAUSAPIN MO KO’.

Maliban sa mga ito, marami din ang nakarinig na sa bandang 7:22 ay maririnig ulit ang pumanaw na vlogger na sinasabing ‘NAHIHIRAPAN NA AKO’.

Bagama’t hindi masyadong marinig ang mga ito ay idinidiin ng mga netizen na boses ni Lloyd ang kanilang narinig sa mga parteng iyong ng video. Kaya naman, marami ang kinilabutan dahil sa pagpaparamdam umanong iyon ng vlogger.

Sa kabila nito, mayroong iba na hindi raw naniniwala na boses nga ni Lloyd ang kanilang narinig na sinabi ang naturang mga mensahe. Ayon sa mga ito, baka raw boses lang din ‘yun ni Kween Mother at naging katunog lamang ang naturang mga salita.

Ngunit, mas marami pa rin ang naniniwala na hindi ‘edited’ ang naturang boses at totoong boses ang mga iyon ni Lloyd. Para sa mga ito, baka raw hindi pa natatahimik ang vlogger kaya humihiling ang mga ito na ipagdasal ng publiko si Lloyd.

Komento pa nga ng ilan sa mga netizen,

“Praying for Lloyd's soul… He is not resting in peace.”



“Clear na clear. It's Lloyd, umiiyak pa siya. Maybe nahihirapan pa siyang mag-adjust sa bagong mundo niya or baka nahihirapan siya mamahinga kasi baka may mga tao pa ring ayaw mag let go sa kanya.”

“Lloyd is still in his house. He still cannot accept his d3ath that's why we could hear his voice. Give him time to accept and he will go to heaven.”

“What we noticed and heard about Loyd's voice, he is not in peace at all. This is not edited.”

Isang buwan na rin ang dumaan mula nang pumanaw si Lloyd Cadena na isa sa pinakasikat, pinakamatulungin, at pinaka hinahangaang vlogger sa bansa. Nito lamang ika-4 ng Setyembre, malungkot na inanunsyo ng pamilya nito na wala na si Lloyd.

Ang pagpanaw nito ay gumulat sa publiko lalo na’t biglaan at walang anumang ulat na naospital o nagkaroon ito ng sakit. Ayon sa anunsyo ng pamilya ni Lloyd, cardiac arrest ang ikinamatay ng vlogger na dala na rin marahil ng komplikayon matapos nitong magpositibo sa COVID-19. Hindi na nagising pa ang vlogger at tuluyan nang binawian ng buhay. 

Hindi naman halos makapaniwala ang publiko sa biglaang pagpanaw na ito ni Lloyd at marami sa mga ito ang nanghinayang sa buhay ng vlogger. Hanggang ngayon, ipinagluluksa pa rin ng kanyang pamilya at mga malalalapit nitong kaibigan at kapwa vlogger ang kanyang biglaang pagpanaw.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment