Tuesday, October 13, 2020

Bea Alonzo sa Posibilidad ng Pakikipagbalikan kay Gerald Anderson: “No! Never again!”


Diretsahan at walang pag-aalinlangan ang naging sagot ng aktres na si Bea Alonzo nang tanungin ito ng isang netizen kung nakikipagbalikan pa ba raw ito sa kontrobersyal at dati niyang karelasyon na si Gerald Anderson.

“No! Never again!” ang sagot pa dito ni Bea sa Instagram.

Kaugnay nito, naglabas din ng bagong vlog si Bea kung saan, sinagot nito ang ilang mga tanong sa kanya ng mga netizen. Ilan sa mga tanong na naitanong sa aktres ay tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang puso.

“Okay naman siya… nag-e-entertain siya. Nagde-date siya. Open siyang maging masaya,” ang nakangiting sagot pa dito ni Bea.

Dito, nagbigay din si Bea ng payo kung paano malampasan o makamove-on mula sa isang heartbreak. Naikwento rin dito ni Bea ang kanyang naging sariling karanasan noong nagmomove-on pa lamang din ito. 

“Just do. It won't come instantly. It won't be easy but, you just have to take it one day at a time and just acknowledge your feelings. If you're still not okay, if you have not forgiven the person who hurt you, it's okay because that day will come. Just trust the process. 

“Kasi sometimes, we get caught up in a situation where parang feeling mo it's so painful… parang hindi mo kaya and so you go back to stage one… Personally, 'yun 'yung nangyari. 

“Parang I didn't trust myself that I could do it and… na-realize ko na kung in-acknowledge ko 'yung feeling na vulnerable ako, that I need help from friends and family, baka mas nalagpasan ko siya earlier. Baka na-discount ko 'yung masasakit na yugto ng buhay ko. 



“But of course, I had to learn the hard way. But kung maiiwasan naman, sana maiwasan,” saad pa rito ni Bea.

Pagkukwento pa ni Bea, kung papipiliin daw siya ngayon kung ‘mahal ka o mahal mo’, mas pipiliin na raw ngayon ni Bea ang taong mas mahal siya. Ayon pa ng aktres tungkol dito,

“Dati, sinasabi ko lagi ‘mahal ko’ kasi diba syempre, ‘yun talaga magdadala ng totoong kaligayahan sayo kapag mahal mo. 

“Pero alam mo, parang naniniwala na ako sa sinabi ng nanay ko na mas magiging tunay na masaya ka lang at magtatagal ang isang relasyon kung pipili ka ng isang taong mas mahal ka kaysa mahal mo. So, andun ako sa mas mahal ako.”

Isa din sa mga tanong na sinagot ni Bea ay ang tanong tungkol umano sa mga natutunan nito sa kanyang huling relasyon. Sagot naman dito ng aktres,

“That I am stronger than I think. That I am resilient. That I can survive anything in life… and that I am worthy.”

Simple at diretsahan naman ang naging sagot ni Bea nang tinanong ito kung paano niya ilalarawan ang lalaking susunod niyang mamahalin. Paglalarawan dito ni Bea,


“A guy who’s madly inlove with me.”

Masaya naman ang mga tagasuporta ni Bea na maayos ngayon ang estado ng puso ng aktres at nakikipag-date na itong muli. Sa ngayon, ang aktor na si Dominique Roque ang iniuugnay kay Bea.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment