Thursday, October 29, 2020

Bro. Eddie Villanueva, Sinagot ang Tanong ni Pastor Quiboloy Tungkol sa Pagpapalabas ng Homosexuality sa A2Z

Marami ang natuwa at nagpasalamat sa muling pagbabalik ng ABS-CBN sa free TV sa pamamagitan ng partnership nito sa ZOE TV na pinamumunuan ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Church. Simula noong Sabado, ika-11 ng Oktubre ay muli nang napanood ang mga programa ng Kapamilya network sa bagong A2Z channel 11. 

Ngunit, sa kabila ng mga positibong reaksyon tungkol sa magandang balitang ito para sa ABS-CBN, mayroong ipinaabot na mensahe at tanong si Pastor Apollo Quiboloy para kay Bro. Eddie Villanueva tungkol dito.

Ang tanong na ito ni Quiboloy ay may kinalaman sa umano’y pagpapalabas ng mga programa na tinatalakay o nakikita ang ‘homosexuality’. Tanong ni Quiboloy tungkol dito, 

“O, Brother Eddie, maraming nagtatanong, papayagan ho daw ba ninyo na ipalalabas ang palabas na people who are espousing homosexuality and openly? Openly... this is on television promoting this.”

Heto naman ang naging simpleng sagot ni Villanueva tungkol sa tanong na ito sa kanya ni  Quiboloy. Ani nito,

“JESUS CHRIST is not a racist.. not a religious fanatic.. not a political fanatic..Jesus Christ the SON of the Living GOD died for all sinners hence JESUS LOVES ALL!”

Kung matatandaan, naging kontrobersyal dati si Quiboloy at ang komedyanteng si Vice Ganda na host ng programang ‘It’s Showtime’ dahil sa mga naging komento ng mga ito sa isa’t-isa.

Ayon sa mga netizen, ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit naitanong ni Quiboloy ang tungkol sa naturang paksa kay Villanueva.

Sa kabilang banda, marami naman ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Villanueva dahil sa bagong pagkakataon umano na ibinigay nito sa ABS-CBN. Ito ang naging daan upang maibalik sa free TV ang network at muling mabigyan ng trabaho ang mga naapektuhan noong hindi na nai-renew ng kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ang naging bagong pag-asa ng network matapos ang hindi nito magandang pinagdaanan. Ayon sa mga netizen, si Villanueva ay isang magandang ehemplo ng isang mabuting lider. Kaya naman, hindi maiwasan na ikumpara rito sa Quiboloy base sa naturang tanong na ibinato nito sa kapwa lider.

Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento at opinyon ng mga netizen tungkol sa naging palitan ng mensahe nina Villanueva at Quiboloy:

“God is good, all are equal in his eyes. Thank you , Bro. Eddie Villanueva, for showing a good example how a religious leader should be.”

“We agree with Bro Eddie!! There is no condemnation in Christ Jesus! The church should be lovers of people but of course not the sin.”

“Nice one Bro. Eddie Jesus is not just for just person but embraces also the sinners. May be in the congregation of Quiboloy are all saints to call and call for.”

“Siguro mas gusto ni Bro. Eddie na wag na tayo mag bangayan, mam-bash, magparinig at magsisihan. Magpasalamat na lang tayo nakabalik ang ABS-CBN. Salamat Bro. Eddie at ginawa kang instrumento ng Panginoon para buhayin ang pag-asa ng mga tao na naniniwala at umaasa sa ABS-CBN.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment