Wednesday, October 28, 2020

UNTIL DEATH DO US PART: Lolo at Lola, Sabay na Pumanaw sa Iisang Araw


Isang kakaiba at nakakalungkot na pangyayari ang nadatnan ng Emergency Response team sa Binalbagan, Negros Occidental kung saan, oras lamang ang naging pagitan ng pagpanaw ng mag-asawang ito.

Ayon sa grupo, wala nang buhay ang 94 taong gulang na lolo nang kanila itong madatnan sa kanilang bahay. Prenteng nakaupo lamang ito sa isang upuan sa kanilang hapagkainan ngunit, wala na itong pulso at hindi na rin humihinga. 

Katabi nito na nakahiga sa kama ang kanyang misis na wala na ring buhay. Nauna umanong pumanaw si lola kaysa sa kanyang asawa, bandang alas 7 ng naturang araw.

Ayon sa mga residente, nang umaga ay mayroon umanong ininda na sakit sa dibdib si lolo matapos malaman na pumanaw na ang kanyang misis.

Ilang oras lamang matapos nito, bandang alas 10 ng umaga ay natagpuan si lolo na nakaupo sa silya na wala nang buhay. Ayon sa mga rumespende sa dalawa, payapa lamang na nakaupo si lolo at hindi kakitaan na mayroong inindang sakit.


Marami naman ang nalungkot sa pambihirang pangyayari na ito na umano’y isang perpektong halimbawa ng kasabihang ‘til death do us part’. Sa kabila ng kanilang pagpanaw, natupad nina lolo at lola ang kanilang pangako na sasamahan nila ang isa’t-isa hanggang sa kamatayan.

Ayon sa mga netizen, nakakasakit ng damdamin at puso ang nagyaring ito sa mag-asawa. Gayunpaman, nawa’y maging payapa na rin umano sina lolo at lola lalo na’t magkasama nilang nilisan ang mundo. Isa umano itong halimbawa ng tunay at wagas na pagmamahal.


Bumuhos din ang pakikiramay ng mga netizen para sa mga naiwang pamilya ng mag-asawa. Heto pa ang ilan sa naging komento ng mga netizen tungkol sa nakakalungkot at kakaibang pangyayari na ito:

“The true meaning of until death do us part. Rest in peace to both of you tatay and nanay. Heaven is calling true lovers and the two of you were the chosen one.”

“How sad that the both of them finish their obligation on Earth. True love really does exist. May the both of you Lola and Lolo rest peacefully.”

“So sad, yet they stake to their promises. Even death cannot make them apart. Our heartfelt condolences to their family… RIP.”

Ang Facebook post tungkol sa pangyayaring ito ay umani na ngayon ng mahigit sa 40 000 reaksyon kung saan ang karamihan ay pagkalungkot. Heto naman ang ilang bahagi ng Facebook post tungkol dito ng LDRRMO - Binalbagan”


“Some kind of a rare EMERGENCY RESPONSE wherein upon arriving at the scene, the patient has no signs of life already (no pulse, no breathing). According to folks, male patient who is 94 years old complained of chest discomfort this morning after knowing that his wife died at 7am just this morning… 

“Few hours later, patient was found sitting at their dining table like a relaxed person but is not moving anymore. Upon assessment, patient has no vital signs and body is already stiff. His dead wife is still on his side lying on bed . Patient was declared dead by a nurse and BHW at 10 AM… 

“Couple died at the same day, only hours apart.”

Source:facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment