Thursday, October 29, 2020

Jak Roberto at Barbie Forteza, Nag-break nga ba Talaga?


Sa isa sa mga bagong vlog na ibinahagi ni Jak Roberto, maraming mga netizen ang naintriga sa pamagat nito na ‘Anong gusto mo, TAYO PARIN O AYAW MONG TAYO NA? (PRANK GONE WRONG)’.

Nakisabay na rin ang dalawa sa nauuso ngayong ‘Break-up prank’ ng maraming mga vlogger kung saan, kunwaring makikipagbreak ang isa sa kanyang relasyon ngunit sasabihin nito sa huli na biro o ‘prank’ lamang pala ito.

Ngunit, iba ang naging resulta ng prank na ito ni Jak sa kanyang girlfriend. Imbes kasi na ito ang ma-prank ay mukhang ito pa ang nabiktima ni Barbie at na-prank. Sa vlog, makikitang nabuking ni Barbie ang prank na ito ng nobyo ngunit nakisabay pa rin ito sa kalokohan ni Jak nang hindi nito napapansin.

“Hello guys, sa mga nagtatanong ho ng updates sa'min ni Barbie, siguro napapansin n'yo 'di kami. masyado nagpo-post sa Instagram, sa social media, tungkol sa'ming dalawa. Hindi ko alam kung papaano sasabihin. Kaya ho kami nawalan ng updates sa isa't isa kasi… 

“Di ko alam kung may nasabi ba ako. Sorry, guys ha,” panimula pa nga ni Jak sa vlog kung saan, tumutulo ang luha nito at animo’y hindi malaman ang sasabihin.


Matapos nito ay ibinahagi ni Jak ang isang behid-the-scene video raw nila ni Barbie matapos ang isang interview sa kanilang dalawa. Dito, nakikita ang inis ni Jak sa girlfriend na nauwi sa isang away kung saan nagkasagutan pa silang dalawa.

Di kalaunan ay naisali na nga ang paksa tungkol sa kung gusto na ba raw nilang maghiwalay na lamang. Ani pa nga ni Jak kay Brabie,

“Gusto mong mag-cool off muna? Kasi, parang ganun yung nararamdaman ko. Baka gusto mo ng space…”

Ngunit, hindi nagpatalo si Barbie at binalikan ang tanong ng boyfriend. Mas naging diretsahan pa ang binalik nitong tanong kay Jak. Ani ni Barbie rito,

“Sabihin mo, ang gusto mo cool off? Cool off o breakup? Diretsuhin mo ako, sa 'yo naman manggagaling. Ako, wala naman akong ere sa katawan, wala naman akong isyu sa 'yo. Ikaw ang dada nang dada diyan. 

“Ang cool off kasi, tayo pa rin, hindi lang tayo mag-uusap. Ang breakup, wala na talaga. Anong gusto mo? Gusto mo bang tayo pa din o ayaw mong tayo na? Cool off o breakup?”

Ngunit, nang bandang huli ng video, hindi na napigilan pa ni Barbie at ito na ang bumasag sa ginagawang prank ng boyfriend. Nagbiro pa ito kung bakit daw ang tagal tumulo ng luha ni Jak.

Hinamon pa ito ni Barbie nang sabihin ni Jak na seryoso ito sa sinasabi. Ani rito ni Barbie, kung talagang hindi raw prank ang nangyayari ay bakit dalawang kamera pa talaga ang naka-on at nakatapat sa kanila.

Natawa na lamang si Jak dahil nabuking ng girlfriend ang isa niya namang kalokohan o biro. Dahil nga natatawa at hindi masabi-sabi ni Jak na isa itong prank ay si Barbie na mismo ang bumuking sa ginagawa ng boyfriend.


Matapos nito ay ipinaliwanag ni Jak kung paano niya pinlano ang naturang prank sa kanyang vlog na sa bandang huli ay nabuking din at hindi nabiktima niya si Barbie.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment