Bagama’t masaya para kay Liz Uy ang mga kaibigan nito para sa balitang engaged na siya sa kanyang long-time boyfriend na si Raymond Racaza, ang balitang ito rin ang naging dahilan para muling maungkat ang nakaraan tungkol kina Liz, Raymond, at sa dati nitong asawa.
Sa Twitter, agad na naging trending si Liz matapos na ihayag ng mga netizen ang kanilang mga negatibong komento tungkol sa pagkakatuluyan nina Raymond at Liz. Dito ay naungkat ang ginawang pagtataksil daw ni Raymond sa dating asawa para makipagrelasyon sa celebrity stylist.
Ayon sa mga ulat, bandang Mayo ng 2017 nang magsimulang magkalabuan sina Raymond at dating misis nito na si Dra. Geraldine Zamora. Taong 2018 naman nang tuluyan nang na-grant ang kanilang annulment.
Ngunit, base na rin sa mga ulat, una raw nagkakilala sina Liz at Raymond sa gitna ng mga taong 2014 at 2016. Ipinanganak naman ni Liz ang anak nila ni Raymond na si Xavi noong 2017. Kung iisipin, 2016 pa lamang ay nagkaroon na ng relasyon ang dalawa.
Kaya naman, malinaw daw para sa mga netizen ang ginawang kataksilan ng dalawa kay Dra. Geraldine. Dahilan ito para umalat sa mga netizen ang imahe ni Liz at Raymond simula noong nailabas ang tungkol sa kwento ng mga ito.
Kaya naman, ang engagement ng dalawa ay hindi ikinatuwa ng maraming mga netizen lalong lalo na raw ang mga taong naging masaya para sa balitang ito tungkol sa dalawa.
Sa Instagram post na ibinahagi ni Liz kung saan nito inanunsyo ang kanyang engagement, maraming mga artista ang nagpaabot ng kanilang tuwa, pagbati, at pagsuporta para kina Liz at Raymond.
Hindi maganda ang dating ng mga ito sa mga netizen dahil lumalabas daw na kinokonsente ng mga ito ang kamaliang ginawa ng dalawa. Panay ang labas ng opinyon ng mga netizen na ito tungkol sa pagtataksil at pang-aagaw daw ng asawa ni Liz.
Isa sa mga artista at kaibigan ni Liz na lubusan ding binatikos ng mga netizen ay si Isabelle Daza. Nailantad din kasi sa balitang ito na si Isabelle raw ang naging dahilan ng pagkakakilala nina Liz at Raymond at naging tulay rin ng kanilang relasyon.
Mas dumami pa ang nambatikos dito nang kumalat ang ilang mga larawan nito kung saan, makikita na magkaibigan sina Isabelle at Dra. Geraldine. Ang naturang mga larawan ay nakunan noong mga taong kakakilala pa lamang nina Liz at dating asawa ni Dra. Geraldine.
Ayon sa mga netizen, kung totoong malapit na magkaibigan sina Isabelle at Dra. Geraldine ngunit ito rin ang naging tulay para sa relasyon nina Liz at Raymond, lumalabas na naging taksil din umano ito kay Dra. Geraldine at hindi naging mabuting kaibigan.
Maliban kay Isabelle, maraming mga netizen din ang kumwestyon kay Kuya Kim na nagpaabot din ng kanyang pagbati para sa engagement ni Liz. Kinondena ng mga ito si Kuya Kim dahil sinusuportahan daw nito ang pangangaliwa.
Ngunit, mayroong naging sagot dito si Kuya Kim. Saad nito sa Twitter,
“Ohh I don't support adultery but I love @lizzzuy and Raymond. I even love you. We are all sinners.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment