Opisyal nang sinumulan ni Rabiya Mateo ang kanyang unang araw bilang Miss Universe Philippines 2020.
Sa unang araw niyang ito, agad na ring nakuha ni Rabiya ang isang bagong sasakyan na bahagi ng naglalakihang mga papremyo na natanggap niya matapos masungkit ang korona o titulo na Miss Universe Philippines 2020.
Sa mga larawan nito na ibinahagi nang makuha niya na ang kanyang bagong blue 2019 MG ZS Alpha SUV, ngiting tagumpay ang beauty queen habang nakasakay sa loob nito.
Ayon sa isang artikulo na ibinahagi ng pep.ph, ang naturang sasakyan ay nagkakahalaga ng nasa Php 818,888 hanggang Php 998,888 lang naman.
Ayon sa mga ulat, ang mga premyong matatanggap ni Rabiya ay siyang pinakamalaki sa kasaysayan ng beauty pageant sa Pilipinas. Maliban sa sasakyan, makakatanggap din ito ng malaking cash prize na siya rin daw pinakamalaki sa lahat ng mga cash prize na naibigay sa isang nanalong beauty queen.
Magkakaroon na rin si Rabiya ng sarili nitong apartment sa Mero Manila. Maliban dito, mayroon din itong kasamang driver at isang team ng personal assistant at personal stylist. Bukod dito ay marami pang mga papremyo ang matatanggap ni Mateo na hindi isinapubliko ng MUP organization.
“What awaits the winner of Miss Universe Philippines? A lot…
“For the winner, aside from giving an incredible platform to her advocacies, she will have her own apartment, car, driver, personal assistant, and personal stylist. She will also get the biggest cash prize in the history of Philippine Pageantry. Simply put, it is going to be a life fit for a queen,” anunsyo pa ng MUP organization.
Isa na rin si Rabiya sa magiging brand ambassador ng mga brands na Olay, Downy, Cream Silk, PLDT Home, at Lazada. Maisusuot din ni Rabiya ang bagong Miss Universe Philippines Crown na nagkakahalaga lang naman ng Php 5 milyon.
Higit sa lahat, dadalhin ni Rabiya ang pangalan ng bansa sa international at pinaka prestihiyosong beauty pageant sa lahat na Miss Universe. Susuportahan ito ng buong bansa sa kanyang pagsabak sa naturang kompetisyon kung saan, apat na Pilipina na sa kasaysayan ang nahirang bilang Miss Universe.
Marami naman ang natuwa para sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Rabiya lalong lalo na ang mga tunay na nakakakilala rito. Ilang araw matapos niyang manalo sa MUP, lumabas ang mga kwento ng simpleng pagsisimula at mga pagsisikap ni Rabiya mula pa noong nag-aaral ito hanggang sa kanyang pagsabak sa MUP.
Mula sa pagsisikap na matapos sa kolehiyo kahit kapos sa pera, hanggang sa madalas na pag-eensayo para sa Q and A habang lumalaban sa MUP, pinatunayan ni Rabiya na sa kanyang pagsisikap ay kaya niyang maabot ang tagumpay.
Pinatunayan nito na lumaban siya ng patas at pinagsikapan niya ang kanyang pagkapanalo sa MUP. Saksi ang mga kaibigan nito at iba pang mga kandidata kung gaano ito nagsikap sa buong kompetisyon para maging maganda ang kinalabasan ng kanyang pagsali rito.
Kaya naman, deserve ni Rabiya ang lahat ng mga premyo at pagkilala na natatanggap nito ngayon matapos ang pagsisikap nito na maabot sa wakas ang kanyang pangarap.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment