Monday, October 5, 2020

Erich Gonzales, Nagbahagi ng Larawan na Kinunan ng Kanyang Rumored Boyfriend


Usap-usapan ngayon ang umano’y kasalukuyang karelasyon o boyfriend ng aktres na si Erich Gonzales. Ayon sa ulat, ito raw ay si Mateo Lorenzo na kapatid ni Basti Lorenzo, ang boyfriend naman ni Claudia Barretto. 

Si Claudia Barretto ay kapatid naman ng aktres na si Julia Brretto na siyang malapit na kaibigan ni Erich.

Matagal nang hinala ng publiko ang pagkakaroon ni Erich ng isang non-showbiz boyfriend. Sa katunayan, nagbigay pa nga ito ng ‘hint’ o pahiwatig tungkol sa kanya ngayong boyfriend.

Ngunit, hindi nito pormal na inamin o itinanggi kung si Mateo nga ang boyfriend na kanyang tinutukoy. Bagama’t marami ang magpapatunay na si Mateo nga ang kasalukuyang boyfriend ni rich, hindi niya ito kailanman pormal na inamin.

Kamakailan nga lang, nagbahagi si Erich ng isang larawan nito na animo’y nasa loob ng isang restaurant. Ngunit, ang kumuha sa atensyon ng mga netizen ay nang ibahagi ng aktres na si Mateo ang kumuha ng naturang larawan. Kaya naman, kilig na naman para sa dalawa ang mga netizen.

Sa kanya ring inilabas na birthday vlog, makikita rito na magkasama ang dalawa sa isang sasakyan kung saan, si Mateo ang nagmamaneho. Bago nito, si Mateo mismo ay nagbahagi din ng isang larawan ni Erich na bagama’t nakatalikod ay naka-tag naman ang aktres.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga patunay na mayroon ngang relasyon ang dalawa. Maliban dito, napansin din ng mga netizen ang kakaibang ganda at positibong awra na mayroon ngayon si Erich.


Kaya naman, kahit hindi umano nito pormal na ianunsyo ang relasyon na mayroon silang dalawa, masaya pa rin para sa kanya ang kanyang mga tagasuporta dahil ang mahalaga ay nakikita nilang masaya si Erich.

Ani pa nga ng mga ito, sana raw ay ito na ang maging ‘the one’ at makatuluyan ni Erich. Masaya umano sila para sa mga ito at nakahanda silang sumuporta sa dalawa.

Maliban sa pagiging isang sikat at mahusay na aktres, mas aktibo ngayon si Erich sa kanyang pagv-vlog kung saan, nasa mahigit isang milyon lang naman ang kanyang mga subscribers. Dito, mas nakikilala pa ng publiko si Erich dahil sa pagbabahagi ng aktres ng kanyang totoong sarili.

Mas lalo pa itong nagustuhan ng marami dahil sa pagiging simple at mapagkumbaba ni Erich sa kabila ng mga naabot nito sa ilang taon niya sa showbiz. Isa umano ito sa iilang mga taga-showbiz na hindi nahihiyang ipakita ang kanyang totoong pagkatao.

Kaugnay nga nito, nang magkaroon si Erich ng 1 million YouTube subscribers ay namigay lang naman ito ng mga tablet na magagamit ng mga kabataan sa online class. Patunay lamang ito sa kabutihan na mayroon ang aktres at hindi nito pagdadamot sa kanyang biyaya.


Unang sumikat si Erich nang gumanap at naging bida ito sa afternoon series na ‘Katorse’. Dito, nakatambal niya ang aktor na si Enchong Dee at mula dito, nagtuloy-tuloy na ang kanilang tambalan. Naging mabuting magkaibigan din ang dalawa mapahanggang ngayon kaya madalas na napapanood si Enchong sa mga vlogs ni Erich.

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment