Friday, October 30, 2020

Isang Dambuhalang Buwaya, Nahuli sa Tawi-tawi!


Trending ngayon sa social media ang mga nakunang video ng isang dambuhalang buwaya na nahuli umano kamakailan lang sa Taytay Beach, Bakong, Simunul sa Tawi-tawi.

Base sa mga pahayag ng mga nagbahagi ng naturang mga video, ang nasabing buwaya ay sumusukat ng 17.11 feet o talampakan. Makikita sa naturang video kung gaano ito kadambuhala habang isinasakay sa isang trak.

Hindi halos magkasya ang naturang buwaya sa trak at makikita rin sa video na sinubukang sumuwag ng buwaya. Sa laki nito, nagkagulo ang mga residente sa lugar at panay ang kuha ng larawan sa dambuhalang buwaya.

Nakapalibot dito ang napakaraming tao na hindi makapaniwala sa laki ng nahuling buwaya sa kanilang lugar. Nahuli raw ang naturang buwaya nito lamang Miyerkules, ika-14 ng Oktubre.

Hindi naman malaman kung saan dinala ang naturang buwaya ngunit, ayon sa ilan ay dadalhin ito sa isang sanctuary.

Bagama’t dambuhala ang laki ng buwayang ito, mas malaki pa rin dito ang buwayang si Lolong na mayroong sukat na 20.3 ft. o talampakan. Hindi lamang ito maituturing na pinakamalaking nahuling buwaya sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo rin ayon mismo sa Guinness World Records.

Ngunit, matapos lamang ang mahigit isang taon mula nang mahulisi Lolong, pumanaw ito noong 2011 kung saan ang isa sa mga pangunahing dahilan ay ang stress na dinanas nito mula nang mahuli.


Kaya naman, sa pagkahuli ng dambuhalang buwaya na ito sa Tawi-tawi, isa sa pinangangambahan ng ilan ay ang stress na pinagdaraanan nito. Dahil sa pagkahuli rito at sa maaaring paglagyan nito ngayon, nangangamba ang marami na pumanaw din ang buwaya kagaya ng nangyari kay Lolong. Sa dami ng mga taong nakapalibot sa buwaya base sa mga video na nakunan, malamang ay nakaramdam na umano ito ng stress.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang umano’y dalang peligro ng mga buwaya. Ngunit, hangga’t hindi nai-isturbo ang mga ito, hindi naman ito mapipilitang umatake sa mga tao. 

Kaya naman, naniniwala rin ang marami na kailangang mabuhay ng maayos ng mga buwaya nang malayo sa peligro na maaari nitong idulot sa mga tao at sa peligro rin na maaari ditong idulot ng tao.

Ani ng mga ito, sana raw ay ilagay sa maayos na lugar o relocation ang buwaya at hindi sa isang zoo dahil mas napapadali ang buhay ng mga ito sa mga lugar tulad ng huli.

Heto pa ang ilan sa naging komento ng mga netizen tungkol sa pagkahuli ng dambuhalang buwaya na ito:

“Stress ang ganyang klase ng buwaya ‘pag ganyan karami ang tao. Kaya kadalasan, pagdating sa lugar kung saan aalagaan, nanghihina na.”

“Bakit kailangan alisin sa natural habitat?”

“Nahuli tapos mamamatay lang sa mga kamay niyo… Kawawa lang ang hayop, kagaya ng nahuli sa Palawan.”

“Akala nila pwede basta-basta idomesticate ang ganyang hayop parang si Lolong kasi lumaki sa wild tapos ilalagay sa zoo… mataas chance na mamatay kesa na mas lumaki pa talaga sya.”


“Kung irelocate niyo nalang sana ‘yan kesa ilagay sa zoo… hindi lumaki sa captivity ‘yung buwaya na ‘yan. Malaki pa chance na mamatay siya sa zoo kesa sa wild.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment