Friday, October 30, 2020

Kapatid ni Michelle Bana-ag, Nagalit Matapos Tawaging ‘Mataba’ ni Raffy Tulfo


Kasabay ng pagiging trending ng huling pagkakataon ng pagharap ni Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo kung saan, hindi na ito pinaniwalaan pa ng host, naging trending din ang pagtawag ni Tulfo ng ‘mataba’ sa kapatid ni Michelle na si Shabby.

Bago ito, una nang umani ng mga pambabatikos si Shabby dahil daw sa akusasyon nito na ginugutom sila ni Tekla gayong kitang-kita naman kung gaano kalusog ang katawan nito.

Sa programa, ayon pa ni Raffy Tulfo tungkol kay Shabby,

“Ayokong makausap ‘yang kapatid mong mataba.”

Lubos namang pinagkatuwaan ng mga netizen ang pahayag na ito ni Tulfo na hindi nila inaasahan. Dahil nga sa hindi na maganda ang imahe ni Michelle at ng kanyang pamilya dahil sa mga hindi magagandang rebelasyon tungkol sa kanila, mukhang ikinasaya pa ng mga netizen ang prangkang pahayag na ito ni Tulfo kay Shabby.

Ilang araw matapos ang walang katapusang pambabatikos na ito, naglabas ng pahayag si Shabby sa Facebook kung saan, inihayag nito ng kanyang galit o pagkadismaya dahil daw sa pagtawag na ‘mataba’ sa kanya sa programa.


Diretsahan nitong sinabi na ‘bastos’ si Tulfo dahil sa pagtawag daw nitong mataba sa kanya. Ani pa nito,


“Bastos! Tinawag ba naman akong mataba. Bakit? Ako lang ba mataba sa mundo??!!!! Kahit mataba ako, maganda ako no!”

“Ok lang kahit mataba, ‘wag lang maging mukhang hipon,” dagdag pa nito habang dinedepensahan ang sarili.

Sa kanyang mga Facebook post, makikita na panay pa rin ang mga pahayag nito tungkol sa nangyaring kontrobersiya sa pagitan ng kanyang kapatid na si Michelle at ng komedyanteng si Tekla.

Panay ang parinig niya rito sa mga taong patuloy pa rin na bumabatikos at nanlalait sa kanila. Ani pa nga nito, gusto niya raw sana na ireklamo ang mga panlalait na ito sa kanya ngunit, hindi niya na lamang itinuloy dahil alam niyang hindi rin siya papanigan ni Tulfo.

Sa isang vlog na inilabas ni Tekla, ipinakita nito ang kanyang magulo at maduming condo na kagagawan daw ng pamilya ni Michelle. Upang malinis ang condo nito na sira-sira din ang mga gamit, ang kaibigan mismo ni Tekla na si Donita Nose ang nanguna sa kanilang pag-aayos dito.

Kaugnay nito, mayroon ding inihayag na akusasyon si Shabby. Ayon dito, ‘scripted’ daw ang naturang vlog ni Tekla at hindi totoo ang dumi sa condo nito na kagagawan daw nila.

Ngunit, dahil sira na nga ang kredibilidad ng pamilya nito sa publiko, hindi bumenta ang akusasyon na ito ni Shabby sa nga netizen. Ayon sa mga ito, paanong magiging scripted umano ang mga ipis sa bahay at ang matititinding dumi na iniwan ng mga ito sa kusina, banyo, at kwarto.

Kaya naman, panay na lamang ang puna ni Shabby sa mga panlalait daw sa kanila ng publiko. Dito, ipinipilit pa rin niya na ginutom daw sila ni Tekla. Saad pa nito sa isang Facebook post,


“Wala lang man ba kayo masabi na maganda diyan?? Di ba kayo nagsasawa manglait ng kapwa nyu?? Pareho pareho lang naman tayo tao ah… Grabe kayo kung makapanghusga, kala mo kung sino tong mga perpekto… kala mo ang gaganda para  laiitin ako ng sobra.. Sana lang ha di n’yo maranasan ang gutumin at bastusin.. Grabe kayo.”

Panoorin ang buong video dito!

-

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment