Friday, October 30, 2020

Mary Lite Lamayo, Hindi Raw Kilala si Dr. Jose Rizal?


Trending ngayon ang vlogger na si Mary Lite Lamayo dahil sa isang video clip nito kung saan, makikita na hindi niya raw kilala ang pambansang bayani ng bansa na si Dr. Jose Rizal.

Sa naturang video, makikita ang itaas na bahagi ng mukha ni Rizal na pinapahulaan dito ng kasama ni Lite. Ang larawan na ginamit ay isang pangkaraniwang larawan ni Rizal na madalas nakikita ng publiko. Ngunit, makikita rito na mukhang hindi kilala ng vlogger kung sino ang nasa naturang larawan.

Saad pa ni Lite habang hinuhulaan ang larawan,

“Sino ‘yan? Artista ba ‘yan? Haa beh, sino ‘yan?”

“Normal na tao ‘yan?”

“Ay, ano ba ‘yan? Sikat? Artista? Nagti-Tiktok ‘yan?”

“Hala, oh my god! Sino ‘yan? Sino s’ya?”

Sa huli ay hindi pa rin nahulaan ni Lite na si Dr. Jose Rizal ang nasa naturang larawan. Nang sabihin na ng kasama nito na si Rizal nga ang nasa nasabing larawan, ayon kay Lite ay ito raw sana ang kanyang hula.

Hindi naman naging maganda ang reaksyon ng mga netizen sa video clip na ito ni Lite. Marami sa mga ito ang naiinsultuhan daw kay Lite dahil pambansang bayani na mismo ay hindi nito kilala.

Agad na umani ng kabi-kabilang pambabatikos ang vlogger at naging paksa na naman ng ilang mga netizen lalo na sa Twitter.

Ani ng mga ito, bilang ‘influencer, sana raw ay naging mas responsable ang vlogger lalo na sa ganoong bagay. Kung tutuusin, kahit daw na bata ay agad malalaman na si Dr. Jose Rizal ang nasa naturang larawan.



Heto nga ang ilan sa naging reaksyon ng mga netizen tungkol dito:

“Hindi mo alam kung nagbobobobohan lang o papansin pero isa lang for sure. Nakakainsulto ‘yang ginagawa niya.”

“Mary Lite would be the "malansang isda" in Jose Rizal's poem and song charot!”

“It's free to declare yourself as a vlogger but being a vlogger comes with a public responsibility. Pero kung hindi mo kilala si Jose Rizal, edelete mo na ‘yang account mo Mary Lite Lamayo.”

“Seryoso ba to? Paano naka graduate ng elem to kung di niya kilala si Rizal? Put*k ‘wag mong sabihing hindi pa sya nakakita ng piso?”

“Seryoso ba yung vlogger na Lite? Hindi niya kilala si Rizal?”

Saad naman ng ilan, mukhang sinasadya raw ng vlogger ang ginawa nito na hindi kilala si Rizal na siyang pambansang bayani. Ani ng mga ito, baka raw isa itong paraan para umani ng views at maagaw ang atensyon ng mga netizen.

Sana raw ay ni-review muna nito ang content ng nasabing vlog kung saan galing ang video clip. Ani pa ng ilan, hindi raw naging magandang halimbawa si Lite para sa kanyang mga manonood lalong-lalo na sa mga kabataan.

Dagdag opinyon pa nga ng ilang mga netizen tungkol dito,

“Huh seryoso ba ‘yong si Lite? Di niya nakilala si Jose Rizal? O sinasadya para maraming views.”

“That's their strategy to gain more attention. Since this one went viral, people who don't know them will get curious and watch the full video. Odi dagdag views edi mas malaking sahod sa YT. MA-U-TAK.”


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment