Sunday, October 11, 2020

Isinasayaw na Kabaong Habang Binubuhat, Nahulog Matapos Aksidenteng Nabitawan!


Sikat na sikat ngayon sa social media ang video na ito ng ilang mga kalalakihan na sumasayaw habang buhat buhat ang isang kabaong. Isa ito sa mga memes na kinaaaliwan ngayon ng mga netizen sa Facebook.

Kamakailan lang, isa na namang video na katulad nito ang kumalat online ngunit, hindi katulad ng naturang video na sumasayaw lamang ang mga nagbubuhat ng kabaong, sa video na ito ay mayroong nangyari matapos isayaw ang buhat nilang kabaong.

Aksidenteng nabitawan lang naman ng limang kalalakihang ito ang karga karga nilang kabaong habang sumasayaw. Sa video, makikita na maayos at sabay sabay naman ang galaw ng naturang mga lalaki habang pasan sa kanilang mga balikat ang isang kabaong.

Ngunit, nang umikot ang mga lalaking ito bilang bahagi ng kanilang sayaw, hindi nasalo ng isa sa naturang mga lalaking ang parte ng kabaong na dumulas sa kanyang balikat. Ang resulta, nahulog at tumaob ang kabaong sa lupa.

Makikita naman dito na nagulat ang limang lalaki sa nangyari sa binuhat nilang kabaong at hindi ikinatuwa nila ang nangyari. Nagulat din dito maging ang nasa likod ng kamera na kumukuha rito ng video.

Hindi naman malaman kung ano ang sumunod na nangyari matapos nito dahil naputol na sa naturang bahagi ang video. Bago ito, sa naturang video ay makikita rin ang maraming tao na nakaupo sa gilid na pawang nakaitim ang mga damit. Patunay lamang na mayroong magaganap na libing sa naturang video at hindi ito peneke lamang.

Ang tradisyon na ito ng pagsasayaw habang buhat buhat ang isang kabaong sa libing ay isang kasanayan na kilalang nangyayari sa bansang Ghana. Nagbabayad ang pamilya ng mga namatayan para sa mga lalaking ito na magbubuhat at maghahatid sa kanilang mahal sa buhay sa huling hantungan.

Pinapagaan ng mga kalalakihang ito ang pakiramdam ng mga namatayan sa burol sa pamamagitan ng pagsasayaw habang karga sa balikat ang kabaong ng namatay. ‘Dancing Pallbearers’ ang tawag sa mga lalaking ito na nakaporma pa habang pinipilit pagaanin ang loob ng mga nagdadalamhati sa isang libing.


Sa social media, pinakasikat na video ng mga ‘dancing pallbearers’ ay ang isang video kung saan, anim na lalaking nakakompletong porma ng tuxedo at sunglass ang sumasayaw habang buhat ang isang kabaong.

Hindi na mabilang kung ilang beses nang nairepost ang video na ito sa social media kaya halos lahat ng netizen ay nakapanood o nakita na ang meme na ito.

Mas lalo pang kumalat ang naturang video nang kumalat ang COVID-19 kung saan, ito ang ginamit ng ilan sa kanilang kampanya upang takutin ang mga mamamayan na hindi sumusunod sa quarantie protocols. Maging sa ibang mga bansa bukod sa Pilipinas ay ginamit din ang naturang video upang pasunurin ang mga tao sa pag-iingat sa pandemya.

Nakakatawa ngunit mayroong kabuluhang mensahe pa ng mga ito, kung hindi umano mag-iingat ang sinuman mula sa COVID-19 ay siguradong bubuhatin umano sila ng anim na kalalakihang ito. Kaya naman, tanong pa sa mga kampanyang ito, mas gugustuhin mo raw ba na mabuhat ng mga lalaking ito o sumunod na lamang sa quarantine protocols at payapang mabuhay.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment