Sunday, October 11, 2020

Babae Umano ni Merck, Inilantad ni Makaganda!


Matapos ang mga naging rebelasyon ng vlogger na si Caffey Namindang o Makaganda sa isa niyang Facebook live nito lamang Linggo, ika-11 ng Oktubre, tungkol sa totoong pag-uugali ng katambal at fiance nitong si Christian Merck Grey, sunod na inilantad ni Makaganda ay ang babae umano ng huli.

Sa naturang Facebook live, una nang binanggit Caffey ang babae raw ni Grey na nagngangalang Pam. Ayon pa kay Caffey, magkasama umano ngayon ang dalawa habang siya ay itinatago ng fiance.

Sa isang bagong Facebook post, nagbahagi ulit si Caffey ng isa namang larawan kung saan makikita ang umano’y kabit ni Merck habang naka-pose pa sa kanyang sasakyan. Pasaring pa dito ni Caffey,

“GALING MO MERCK SANA PINAGAWA MO MUNA YUNG SASAKYAN KO YUNG BANGGA! GANDA BA NG KOTSE KO!KAPICTURE PICTURE.  HULI NA! MANINISI PA NG IBANG TAO YAN!

“HINDI AKO TANGA MERCK ALAM MO YAN. ATE GURL! SANA ALAM MONG MAY FIANCÉ NAYANG LALAKING SINUNGALING NA KASAMA MO NGAYON.”

Bagama’t hindi ipinakita ni Caffey ang mukha ng babaeng nasa larawan at maging ang Instagram account nito kung saan kinuha ang larawan, natunton pa rin ng mga netizen kung sino ang Pam na ito na tinutukoy ni Caffey.

Base sa mga komentong ibinahagi rito ng mga netizen, isang Pamela Dianne Esguerra sa Instagram ang tintutukoy rito na babae umano ni Merck.

Kung titingnan ang Instragram account nito, makikita ang parehong larawan na ibinahagi ni Caffey kung saan nakapose ang naturang Pam sa kotse ng vlogger. 

Dahil dito kaya agad inulan ng mga batikos ang naturang Pam dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Grey kahit na mayroon na itong fiance. Nakatanggap ito ng kabi-kabilang pambabatikos mula sa mga netizen lalong lalo na sa mga tagasuporta ni Caffey.



Ani ng mga ito, sayang umano ang ganda ng naturang Pam dahil pumatol ito sa lalaking mayroon nang ibang karelasyon. Mayroon ding pasaring ang mga ito tungkol sa pagpost nito ng nasabing larawan kahit sasakyan ni Caffey ang ginamit nila ni Merck.

Heto pa ang ilan sa komento ng mga netizen tungkol sa Pam na ito na umano’y babae na Merck:

“Nakakalungkot lang na may mga babae na kumukunsinti sa mali ng lalake para makapanakit ng ibang babae.”

“Ganda ng pose mo sa sasakyan ng fiance ng ka-fling mong lalaki! Pa-pose pose nalang habang may isang taong umiiyak at nadedepress dahil sa kagagawan nyo ni Merck!!”

“Car ‘yan ng fiance ng lalaki na kasama mo. Sana aware ka kasi ang off tingnan.”

Sa mga naging rebelasyon ni Caffey tungkol sa totoong pag-uugali ni Merck at sa mga ginawa nito sa kanya kagaya ng pambababae, maraming mga netizen ang dismayado at ngayon ay binabatikos ang vlogger. Patuloy din ang kampanya ng mga ito na i-unsubscribe ang Youtube channel ni Merck.


Samantala, pinapalakas naman ng mga netizen ang loob ni Caffey lalong lalo na ang mga tagasuporta nito. Ani ng mga ito, hindi umano kailangan ni Caffey ng lalaking walang respeto hindi lamang sa kanya kundi sa kanya ring pamilya. Handa umano silang suportahan ang vlogger kung magsisimula itong muli.

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment