Friday, October 16, 2020

Paggawa ng Kuryente Gamit ang Lupa, Tubig, at Suka, Posible Ayon sa Lalaking Ito Mula Syria

Isang kakaibang paraan ng paglikha ng kuryente ang ipinamalas ng lalaking ito mula Syria. Gamit lamang ang lupa, tubig, at suka, nakagawa ito ng kuryente na siyang kanilang ginagamit sa kasalukuyan.

Ayon sa ulat na inilabas ng Agency France Press (AFP) news agency, isang lalaki na nagngangalang Mohsen Al-Amin ang responsable sa paggawa ng kuryente gamit ang naturang mga sangkap.

Sa video na ibinahagi nito, makikita na una muna nitong sinala ang gagamiting lupa. Matapos nito, sa isang lalagyan o bote ay inihahalo niya na ang lupa, tubig, at suka.

Ayon sa 50 taong gulang na si Al-amin, ito ang ginagamit nilang kuryente ng kanilang pamilya sa isang refugee camp malapit sa Syrian-Turkish border. Naninirahan doon ngayon sina Al-Amin at ang kanyang pamilya matapos nilang lumikas sa kanilang tahanan sa Syria.

Pagkukwento pa nito, ang pagkakaroon umano ng kuryente ang isa sa mga problema na kanilang dinanas nang dumating sila sa kampo. Dahilan ito para gumawa sila ng paraan para magkaroon ng sariling kuryente.

“When we moved here, we found out that there are no job opportunities and income is very low, and electricity is not available except for a few selected houses. So we came here and started thinking about using our ways, in order to deal with the electricity issue,” pagbabahagi pa ni Al-Amin.

Ang paraang ito ng paghahalo ni Al-Amin ng lupa, tubig, at suka para makagawa ng kuryente ay isa umanong tradisyunal na proseso ng paggawa ng enerhiya. Ikinakabit daw nila sa konektado ritong electric cables ang mga gamit na kailangan ng kuryente.

Sa ngayon, ipinapasa na ni Al-Amin ang naturang kaalaman sa kanyang anak. Hiling din nito na sana raw ay matuklasan ng mga eksperto ang naturang pamamaraan ng paglikha ng enerhiya at mapalawak pa ang pag-aaral para rito.


“My biggest dream is for specialists and engineers and relevent authorities in this field to adopt this method in order to prove its use,” dagdag ani pa ni Al-Anim.

Marami naman ang namangha nang mabasa ang tungkol sa paraan na ito ni Al-Anim sa paggawa ng kuryente. Maraming mga netizen ang nagpahayag ng kanilang tuwa dahil positibo umanong bagay ang pagtuklas sa prosesong ito ni Al-Anim.

Saad pa nga ng ilan sa mga netizens na ito:

“Some positive news at last. Too much negativity currently. Power to this man!”

“Incredible!!!!!!!!!!!!!”

“Soil + water + vinegar = electricity. Necessity breeds invention ... in this case, revival of a traditional method.”

Sa ngayon, ang mga pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad o kuryente ay sa mga steam turbines gamit ang fossil fuels tulad ng mga natural na gas at petrolyo, solar energy, at nuclear energy.

Kung bibigyan lamang ng pagkakataon ng mga eksperto ang prosesong ito na ginagamit ni Al-Anim, malaking pagbabago at tulong ang maibibigay nito sa suplay ng kuryente sa iba’t-ibang mga lugar sa mundo.

Ayon pa nga sa ilan, kung paglalawakin lamang ng mga eksperto ang kanilang pag-aaral para sa mga proseso na tulad nito upang makalikha ng enerhiya, maaaring makatipid pa ang marami sa kuryente at mababawasan pa ang pagkasira ng kalikasan dahil nababawasan ang pagkonsumo ng fossil fuels.

Source: gmanetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment