Wednesday, October 7, 2020

Joshua Garcia, May Ibinahagi Tungkol sa Itinitibok Ngayon ng Kanyang Puso


Hindi nakaligtas ang aktor na si Joshua Garcia sa mga personal na taong na ibinato sa kanya ni Erich Gonzales nang maging guest ito sa vlog ng aktres.

Dito, habang abala ang dalawa sa kanilang niluluto, hindi na naiwasan pa ng aktor ang ilang mga tanong na nais din malaman ng publiko ang sagot.

“Sa mga nanonood, alam ko na po ‘yung gusto niyong itanong. I got you, guys! Ako na magtatanong para sa inyo…

“So kamusta daw ‘yung heart mo ngayon?” tanong pa nga ni Erich kay Joshua.

Natatawa namang sinagot na lang ng aktor ang nang-iintrigang tanong na ito ni Erich. Sagot pa nito,

“Okay naman. Tinanong mo naman ako agad ng mga love life, love life… Wala, hindi ko naman siya focus ngayon. Mas focused ako sa sarili ko. 

“Actually I started studying na ulit. Nag-enroll ako recently lang. Plano kong kunin business entrepreneurship. Sayang 'yung time na walang ginagawa eh.”

Ayon kay Joshua, mayroon naman umanong tinitibok ngayon ang kanyang puso. Iyon nga lang, hindi ito sa ibang tao.

“Tumitibok para sa sarili ko. Sa ngayon. Hindi pa kasi natin masabi kasi dumadating iyan ng biglaan,” ani pa ni Joshua.

Gayunpaman, inilarawan na rin dito ni Joshua ang mga katangian o gusto niyang taglayin ng babaeng kanyang hinahanap. Isa na sa mga ito ay ang babaeng kaya umano siyang tanggapin ng buo.


Maliban dito, nagugustuhan niya rin umano ang mga babaeng maraming alam sa mga gawaing bahay, family oriented, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos.

“Gusto ko 'yung matatanggap ako ng buong buo. Simple lang ako sa buhay. Pwede akong tumira sa probinsya, pwede akong tumira sa Maynila. Kung maa-accept niya ako ng buong buo, kaya niyang tumira na kasama ako, 'yung ganun…

“Actually nag-iiba 'yung trip kong babae habang tumatagal. Nag-iiba iyan dahil ikaw mismo ay nagma-mature ka. Ngayon, parang gusto ko 'yung babae din na mahilig magbasa. Iba rin 'yung ganun kasi matuturuan ka rin. Gusto ko 'yung mas mature sa akin,” pagbabahagi pa ni Joshua.

Kaugnay nito, naitanong din ni Erich kay Joshua kung naniniwala raw ba ito na mayroong isang tao na nakalaan para rito. Diretsahan naman ang naging sagot dito ng aktor. Aniya, 

“Oo. Kung ako naghahanap ako, may tao ring naghahanap… Feeling ko destiny. Baka ngayon, sinasabi ni God sa 'yo na mag-focus ka muna sa sarili mo. 

“Mas mahalin mo pa muna ang sarili mo para pagdating ng time na nasa relationship ka na, commit ka. Kasi commitment ‘yun, eh. Kailangan magcommit ka din.”

Sinang-ayunan naman ng aktres ang pahayag na ito ni Joshua tungkol sa paghahanap ng taong nakalaan sa kanya. 

“Tama naman, I agree with you. Mayroon talagang taong nakalaan para sa’yo. Sinasabi ko rin ‘to palagi, eh. God has a plan for you, so you just have to wait patiently,” pahayag pa nga ni Erich.


Sa ngayon, ang vlog na ito ni Erich kasama si Joshua ay umani na ng mahigit sa isang milyong views. Maraming mga viewers ang natuwa sa pagsasamang ito ng dalawa at mayroon pang nagkomento na mukha umanong magkapatid sina Erich at Joshua.

Panoorin rito ang kabuuan ng naturang vlog at ang pinag-usapan dito nina Erich at Joshua:



Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment