Friday, October 30, 2020

Super Tekla, May Mensahe sa Kapatid ni Michelle na Nagsabing Ginutom Sila ng Komedyante


Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Tekla, ilan pang mga detalye tungkol sa pinagdaanan nitong konterobersiya ang inilahad ng komedyante.

Ayon kay Tekla, naka-ban na raw mula sa tinutuluyan niyang condo ang dating live-in partner si Michelle Bana-ag kaya hindi na raw ito makakalapit pa sa kanyang tinutuluyan. Nagkasundo na rin daw sila na itigil na ang anumang pagbabangayan sa pagitan nila.

Sa panayam, mayroon ding nabanggit si Tekla tungkol naman sa kapatid ni Michelle. Noong kasagsagan ng nasabing kontrobersiya, mayroong akusasyon ang kapatid ni Michelle na si Shabby kay Tekla.

Ayon dito, ginugutom umano sila ng komedyante. Kahit ngayon na tapos na ang isyu sa pagitan nina Michelle at Tekla ay mayroon pa rin itong ilang pagpaparinig sa komedyante na umano’y ginutom sila.

Naging katuwaan naman sa mga netizen ang akusasyon na ito ng kapatid ni Michelle dahil hindi umano makikita sa katawan nito na ginutom sila ni Tekla. Magmula nang lumabas ang mga rebelasyon tungkol sa pamilya nina Michelle, ang kapatid nito ang isa sa mga lubusang binatikos dahil sa ipipilit nitong ginutom siya ni Tekla kahit na kitang malusog naman ang katawan nito.

Sa naturang panayam rito ni Ogie, tinanong nito si Tekla kung mayroon ba daw itong mensahe para sa nasabing kapatid ni Michelle.

“Mayroon ka bang message ‘dun sa kapatid na ginugutom mo daw pero nang nakita ‘yung katawan, medyo malusog naman pala?”


Sagot naman dito ni Tekla,

“Ang message ko lang sa kanya, magtrabaho kayo. Magbanat kayo ng buto para maramdaman niyo kung ano ang halaga at sakripisyo…

“Para maramdaman niyo, magtrabaho kayo. Magsikap kayo. Magbanat kayo ng buto. ‘Yun iyong sagot sa nararamdaman ko. Para mainitindihan niyo kung anuman ‘yung ano… wala na’yun.”

Nabanggit din sa kanilang usapan ni Ogie ang tungkol sa pagsasalita rin ng dating karelasyon ni Tekla na ina ng kanyang panganay. Ayon kay Tekla, ipinagpapasalamat niya raw na mayroong taong tunay na nakakakilala sa kanya at mayroong malasakit.

“Ayaw ko siyang tawagan. Ayaw ko siyang iudyok na magsalita. Siguro nanggigil na rin siya…

“Salamat kasi mas may nakakakilala sa akin ng lubos para patunayan na hindi ko magagawa ‘yung ganoong akusasyon… Thank you kay Airyn kasi at least, di niya siguro ma-take na nandito ako sa sitwasyong ganoon. Para man lang maibsan ‘yung nararamdaman ko, ‘yun ang isang pasalamat ko sa kanya,” ani naman ni Tekla tungkol dito.

Malaki rin daw ang pasasalamat ni Tekla para sa kanyang panganay na anak na nanatili lamang sa kanyang tabi at hindi pinaniwalaan ang mga akusasyong ibinato sa kanya. Ayon kay Tekla, nagpapasalamat ito at matalinong bata ang kanyang panganay na maayos na napalaki ng mommy nito at ng kanyang lola.


Isa umano ito sa mga naging lakas niya para malagpasan ang napakalaking pagsubok na ‘yon sa kanyang buhay. Sa murang edad daw nito ay nagpapasalamat si Tekla dahil sa magandang pag-uugali at talino na mayroon ito. 

Tungkol naman sa bunsong anak nito kay Michelle, sana raw ay maipaliwanag nito ng maayos sa bata ang lahat ng mga nangyari lalo na’t nasa poder niya ito. Hiling na lamang ni Tekla na sana ay maging maayos ang pagpapalaki nito sa kanilang anak.

Source: noypiako

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment