Dahil sa paraan daw ng pagsagot ng host na si KC Montero kay Miss Bohol sa maliit na interview portion sa grand coronation ng Miss Universe Philippines, inulan ito ng pambabatikos ng nga netizen at inakusahan ng pagiging bastos.
Aminado rin si KC na naapektuhan ito sa mga pambabash sa kanya lalo na’t hindi naman alam ng mga ito ang buong usapan nila sa naturang interview. Ani nito,
“I was affected konti, kasi I want everyone to see the video… Hindi ako bastos lalo na sa mga contestants. I want them to do good. I want them to excel, I am proud of them… and I don’t want to make bastos.
“It’s like... what kind of host to make the contestants bastos on national TV, around the world?”
Kaya naman, upang malinawan ang mga taong ito na agad nanghusga sa kanya, ibinahagi ni KC ang unedited video ng kanyang kaunting pakikipag-usap kay Miss Bohol.
Dito, makikita ang bahagi na pinutol sa televised na version ng naturang maliit na interview. Pagbabahagi pa ni KC tungkol dito sa isang panayam,
“During the top 16 interview… ako, I try to make the girls feel welcome. I want them to relax. So, I like to say, ‘Hi, how are you, kumusta, ano ang feeling mo?’ Sometimes I joke around just to make them laugh.”
“So, for Miss Bohol, I asked her, ‘Hi, kumusta, how are you?’ And she said, ‘I’m fine, how are you?'
“So, I pretended na I was nervous. Sabi ko, ‘Oh, oh, oh di ko alam.’ Pero yung nervous reaction was not shown on TV. In-edit yun. Sa na-air, sabi ko, 'How are you?' Sabi niya, ‘I’m fine, and how are you?’
“'Tapos, sa edited, ‘No one ask me questions.’ Parang medyo mukhang bastos. Pero hindi bastos, parang sarcastic… pero yung mga taga-Bohol, siyempre yun ang pride nila, yun ang contestant nila, siyempre they’re all emotional.
“Unfortunately, she did not win. Parang they find na someone to get mad, and unfortunately it was me…”
Nilinaw ni KC na hindi niya intensyong maging bastos sa mga kandidata gaya ng inaakusa sa kanya ng nga netizen. Sa katunayan, gusto niyang mapagaan ang loob ng mga ito kaya kinakausap niya muna sila bago ang aktwal na Q and A.
Kaugnay nito, naglabas na rin ng pahayag ang Miss Universe Philippines upang humingi ng tawad kay KC. Ani ng mga ito, dahil sa ginawa nilang pagputol o pag-cut ng ilang bahagi ng interview kaya naiba at hindi naging maganda ang dating ng host sa mga manonood.
Paglilinaw pa nga nito, si KC ay naging napakabuting host at ginawa nito ang lahat upang maging komportable ang mga kandidata sa pageant.
Heto ang naging buong pahayag ng organisayon tungkol dito:
“We would like to apologize to our host, KC Montero, if the edited version of our show seemed to portray him in a negative light.
“Due to the constraints of airing on TV, we had to cut down on the interaction between our host and some of the contenders. In doing so, he may have inadvertently been portrayed as something else other than a witty, engaging, and consummately professional host.
“He did an amazing job putting all the contenders at ease while entertaining the viewers with his witty banter. KC MONTERO WAS A GREAT HOST and the organization would love to work with him again in the future.”
Source: PEP
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment