Sunday, November 1, 2020

Batang Multo, Nahagip Daw sa Isang Tiktok Video!


Sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre, lumalabas rin ang mga kwento ng kababalaghan o pagpaparamdam ng mga multo at iba pang mga elemento.

Kagaya na lamang ng naranasan ng babaeng ito mula Cebu City kung saan, nahagip ng kanyang kamera ang isang multo ng bata. Gumagawa noon ng Tiktok video si Genesis Alsa nang maranasan niya ang naturang kababalaghan.

Ayon kay Genesis, nagulat na lamang daw ito nang makita ang isang batang mabilis na tumakbo sa kanyang likuran sa isa sa kanyang mga Tiktok videos. Sigurado umano ito na siya lamang ang tao nang oras na iyon sa naturang bahay dahil tulog na ang mga kasama nito.

Sa unang tingin, dahil sa bilis ng pagtakbo nito na nakunan sa kamera ay hindi mapapansin na isa itong bata. Ngunit, kapag ginawang ‘slow motion’ ang naturang Tiktok video, makikita na isang batang nakasuot ng puti ang kanyang nakunan.

Kaya naman, hindi na naiwasan pa na tumindig ang mga balahibo ni Genesis at ng iba pa na nakakita sa video. Sigurado ang mga ito na isa ngang multo ang kanyang nahagip sa kamera.

Ayon kay Genesis, dati pa umano ay mayroon nang mga kwento-kwento tungkol sa naturang bahay. Ayon raw sa landlord o may-ari nito, mayroon daw mga multo o elemento na nakatira sa naturang bahay.

“Nastorya sa owner o landlord didto kay daghan daw na dira nagpuyo. Pito daw ka bata, then isa ka inahan, og isa ka lola. Mao’y ila storya. So, mao to tinuod gyud diay…

“Dili lang sila i-mind pero need sila’g prayers pud. Kay basin nagneed pud sila ma’am ba maong nagparamdam sa atoa,” pagbabahagi pa ni Genesis.


[Naikwento ng owner o landlord doon na marami daw nakatira d’yan. Pitong bata, then isang nanay, at isang lola. ‘Yon ang kwento nila. So ayun nga, totoo pala ‘yun… Huwag lang silang i-mind pero need rin nila ng prayers. Kasi baka nagneed sila nito kaya sila nagpaparamdam sa atin.]

Dagdag pa ni Genesis, kahit nakakarinig na siya dati pa man ng mga kwento sa naturang bahay, hindi niya ito pinaniwalaan. Ngunit, dahil nga sa ito na mismo ang nakaramdam at nakaranas ng nasabing kababalaghan ay naniniwala na ito sa naturang mga kwento.

“Naa’y daghang storya about sa balay pero wala pa nako gi-mind kay dili ko motuo’g mga inga-ana ma’am ba. So, kato nga time na ako na gyu’y naka-experience, murag niana na gyud ko na ‘Wow, tinuod diay!’,” ani pa nito.

[Maraming mga kwento about sa bahay pero hindi ko ‘yon pinansin kasi hindi talaga ako naniniwala sa mga ganoong bagay. So, noong time na ako na talaga ‘yung naka-experience, nasabi ko nalang na ‘Wow, totoo pala talaga’.]


Bagama’t nakakakilabot ang karanasang ito ni Genesis, pinagdasal na lamang nito ang naturang kaluluwa na nagparamdam sa kanya.

Para sa ilan, ito ay paraan umano ng mga kaluluwa o mga taong pumanaw na upang magpaalala sa kanilang mga kamag-anak o mahal sa buhay tungkol sa araw ng mga patay. 

Sa araw na ito ay bumibisita at nag-aalay ng panalangin ang marami para sa kanilang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na. Ngunit, mayroong iilan na nakalimutan na raw ng mga kamag-anak kaya nagpaparamdam ang mga ito.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment