Patuloy na dumarami ang mga netizen na nagbabahagi ng kanilang mga karanasan tungkol sa mga UFO na umano’y nahahagip nila sa kanilang mga kamera. Isa sa mga ito ay ang ibinahaging mga larawan ng Facebook page na ‘Belize Forever 8867’.
Dito, makikita ang mga larawan ng isang babae na kinunan ng gabi at kita ang malawak na kalangitan sa likod. Sa gitna ng mga bituin na nagmistulang maliliit na ilaw sa kalangitan, makikita ang isang kakaibang kumpol ng maliliit na ilaw na kakaiba mula sa mga bituin na makikita.
Kung susuriing maigi ang larawan, makikita ang nakahilirang maliliit na ilaw at isang mas malaking ilaw sa ilalim nito. Kung titingnan, ang hugis na binubuo nito ay tulad ng sa isang UFO o unidentified flying object.
Maliban dito ay makikita rin na iba ang kulay ng naturang mga ilaw mula sa karaniwang puti na kulay ng mga bituin sa larawan. Kaya naman, marami ang naniniwala na isang ngang UFO o sasakyan ng mga tao mula sa ibang planeta ang nahagip sa naturang larawan.
“Tonight a young photography enthusiast accomplished what many professionals with years of experience have not. It is about Yara Romero, who in search of improving her knowledge, constantly practices and tonight was no exception.
“While capturing images with her camera, she observed what apparently is a UFO in the sky, which was camouflaged among the stars. But as always, we want to know your opinion? What do you all think?” saad pa sa naturang post.
Bagama’t marami ang kumbinsido na isa ngang UFO ang nakunan sa nasabing mga larawan, mayroong pa ring iba na hindi naniniwala rito. Ayon sa mga ito, maaaring repleksyon lamang umano ang naturang mga ilaw o di kaya ay mga artificial satellite sa kalawakan.
Ilan sa mga netizen na ito ay mayroong iisang hula. Ayon sa mga ito, ang naturang mga kakaibang ilaw na animo’y UFO ay isa umanong artificial satellite lamang na tinatawag na ‘Starlink Satellites’.
Heto ang ilan sa mga pahayag ng mga netizen na nagsasabing ‘Starlink Satellite’ lamang ang nakunan sa larawan at hindi UFO:
“I think that is the Starlink of SpaceX by Elon Musk project.”
“That is the Elon Musk project launched in space called ‘Starlink Satellites’ for better internet technologies in the world… It's a venture to launch more than 30,000 satellites in the sky to have internet available all over the world. Currently more than 800 has been launched!”
“Starlink satellites - SpaceX… Really good picture though! Rare snap.”
Gayunpaman, dahil daw sa laki ng kalawakan ay hindi imposible na mayroon pa ngang iba na katulad ng tao ay naninirahan din sa ibang mga planeta. Kaya naman, malaki rin daw ang posibilidad na isa ngang UFO ang aksidenteng nahagip sa naturang larawan.
“Believe me or not. As a science teacher, I believe that they exist. Imagine, we born, exist, created, and evolve from a single cell organism on this small tiny planet located on the milky way galaxy. And how about on the other planet on this milky way? How about on the oher galaxy?” komento pa nga ng isang netizen.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment