Hindi maikakaila na isa ang beteranong action star na si Jeric Raval sa mga artistang kahit nadadagdagan ang edad ay mistulang hindi pa rin tumatanda ang mukha.
Kaya naman, hindi nakapagtataka na namana ito ng kanyang mga anak na pawang nabiyayaan din ng magaganda at gwapong mga mukha.
Kamakailan lang, isa sa mga anak na ito ni Jeric ang kumuha sa atensyon ng mga netizens sa social media. Ito ay ang kanyang anak na si Vanessa Raval.
Nang minsang magbahagi si Vanessa ng larawan nito kasama ang amang si Jeric, naagaw nito ang atensyon ng mga netizen dahil sa ganda niyang taglay. Gaya ni Jeric, hindi rin maikakaila ang magandang mukha na mayroon ang kanyang anak.
Bagama’t hindi ito sumunod sa yapak ng kanyang ama sa showbiz, marami naman itong ibang mga bagay na pinagkaakabalahan. Isa nga sa napansin ng mga netizen kung titingnan ang mga larawan nito sa social media ay ang pagkakaroon nito ng maraming tattoo sa katawan.
Bagama’t hindi maikakaila ang ganda nito, iba sa Vanessa sa ibang mga kababaihan dahil iba ang hilig niya kaysa sa mga ito. Maliban sa hilig nito sa tattoo, hilig din ni Vanessa ang mga motor.
Astigin nga raw ang ganda ng anak na ito ni Jeric. Kahit hindi ito ang tipikal na babaeng nahihilig sa mga ‘dress’ o ‘high heels’, lutang pa rin ang ganda nito sa pagpapakita niya ng totoong personalidad.
Si Vanessa ay isa sa walong anak ng aktor sa dalawa nitong naging karelasyon. Nagkaroon ito ng tatlong anak sa dating aktres na si Monica Herrera at limang anak naman sa kanyang asawa.
Sa social media, marami ang natutuwa kay Jeric dahil sa pagiging mabuting ama at pagkakaroon nito ng maayos na relasyon sa kanyang mga anak.
Minsan ay nakasama pa nga ni Jeric sa gameshow na ‘Minute To Win It’ ang isa niya pang babaeng anak na si AJ Raval. Kagaya ni Vanessa, marami din ang humanga sa ganda ni AJ na ayon sa mga netizens ay mukha naman umanong manika.
Maliban dito, sa morning show na ‘Magandang Buhay’ ay nakasama rin ni Jeric bilang panauhin ang dalawa pa sa kanyang mga anak na sina Mela at Pugo. Dito, inihayag ng dalawa ang pagmamahal nila sa kanilang action star na daddy.
“Wala kayo sa daddy ko dahil grabe ‘yung sense of responsibility niya… wala kayo sa daddy ko dahil, despite na busy siya, nagagampanan pa rin niya ‘yung responsibilidad niya bilang isang ama ng buong-buo atsaka walang aberya,” ani pa ng mga anak ni Jeric.
Dito, naikwento rin ng anak niyang si Mela kung gaano kastrikto si Jeric sa kanilang mga anak na babae ng aktor. Ayon kasi kay Jeric, ang mga anak niya umanong babae ay dapat na inaalagaan.
Namayagpag ang karera ni Jeric noong dekada 90 bilang isang sikat na action star. Sandali man itong namahinga sa showbiz, sa pagbalik nito ay bukas na bukas naman ang publiko na sumalubong sa kanya. Masaya ang mga ito nagbalik telebisyon na ang isa sa pinakahingaan nilang artista noon.
Source: showbizmore
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment