Monday, October 19, 2020

Dating Komedyante na si Ate Glow, Ibang-iba na Ngayon ang Buhay sa UK


Halos lahat ng mga Pilipino ay kilala ang komedyante at sikat na impersonator na si ate Glow. Pinaka nakilala ito dahil sa kanyang impersonation o panggagaya sa dating presidente ng bansa na si Gloria Macapagal-Arroyo.

Ngunit, ilang taon na rin ang lumipas mula nang lisanin ni ate Glow ang showbiz. Sa pinakahuling ulat na lumabas tungkol dito, ginulat ni ate Glow ang publiko sa pagpapakasal nito sa kanyang boyfriend na isang Briton. Ikinasal lang naman ang mga ito sa sikat na Chelsea Town Hall sa London kung saan ikinasal din ang international stars na sina George Clooney at Amal Alamuddin.

Ibang iba na ang komedyante ngayon na talaga namang litaw ang ganda at isa nang tunay na babae. Malayong-malayo ito sa dati niyang ayos noong namayagpag ito bilang isang komedyante at impersonator.

Kilala na ngayon si ate Glow bilang si Renee Hampshire at masaya ito na isang tunay na babae ang tingin sa kanya ng kanyang asawa. Ani pa nga nito sa isang panayam rito dati,

“I am a straight transgender woman. Kasi my partner is a guy and he sees me as a woman.”

Pagkukwento pa dati ni ate Glow, nakilala raw nito ang kanyang napangasawa nang bumisita ito sa kanyang kaibigan sa London. Hindi niya inakala na sa kanyang pangingibang bansa ay matatagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya.

Sa isang panayam sa kanya sa GMA noong 2014, naikwento niya pa ang tungkol dito. Una pa lamang umano ay alam na ng kanyang napangasawa na isa siyang transgender.


“I met him in London last year when I visited my best friend. Nakita niya ako sa Facebook ng friend ko kaya nako, thank you kay Mark Zuckerberg at nang dahil sa Facebook, nagkaroon ako ng love life… 


“He had an idea kasi 'yong common friend namin is also a transsexual pero tinignan niya raw kasi 'yong mga pictures ko,” pagbabahagi pa ni ate Glow.

Sa isang guesting naman nito dati sa ‘Magandang Buhay’, nagbigay pa ng mensahe kay ate Glow ang kanyang asawa. Dito, inihayag ng Briton kung gaano nito kamahal si ate Glow. 

“It’s a pleasure to call you my wife. I’m so very proud of you and I love you very much. We have a fantastic connection and have done so since day one. We really embrace our similarities and differences and it makes us a very strong couple together. 

“I look forward to seeing you very soon in London. Been waiting for you every day. Will see you here soon and as always darling, I love you today, I love you tomorrow, and I love you forever,” menshe pa ng asawa ni ate Glow para sa kanya.

Bago maging isang sikat na komedyante, si ate Glow ay nag-aral at nagtapos sa University of the Philippines - Diliman. Isang top student si ate Glow nang nagtapos ito sa naturang prestihiyosong unibersidad.

Una siyang nadiskubre bilang isang impersonator nang gayahin nito ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2003 sa programang Live A!ds, UP SAMASKOM.



Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment