Thursday, October 15, 2020

Kim Chiu, Mayroon pa ring Trauma Dahil sa Nangyaring Pamamaril sa Kanya Dati


Sa naganap na press conference para sa kanyang bagong pelikula na may pamagat na ‘U Turn’, inalala ng aktres na si Kim Chiu ang nangyaring pamamaril dati sa van na kanyang sinasakyan sa Quezon City.

Noong Marso, matatandaang naibalita na mayroong dalawang kalalakihan na namaril sa sinasakyang van ng Kapamilya actress sa Quezon City habang papunta ito sa kanyang taping.

Ayon sa aktres, kahit ilang buwan na ang lumipas ay nandiyan pa rin ang trauma nito dahil sa nangyari. Sa tuwing dumadaan umano si Kim sa lugar kung saan nangyari ang pamamaril, bumabalik sa kanyang isipan o nagkakaroon ito ng ‘flashback’ ng naturang pangyayari.

“Oo naman kasi baril kasi siya. Yun ang daming bala pero heto pa rin ako nag-po-promote ng pelikula…,” pagbabahagi pa ni Kim.

Bumabalik pa rin sa isipan ng aktres ang naturang pangyayari na naglagay ng kanyang buhay sa peligro. Dagdag ani pa ni Kim tungkol dito,

“Nung March totoong nangyari sa buhay ko. Lagi ko siyang dinadaanan every single day. Kaya nung mayroon akong Instagram Story na parang papunta ako ng ASAP so same time siya at saka same area kung saan tumigil yung kotse ko. 

“So parang sabi ko, ‘Shucks, parang creepy pala yung ganun, yung sikat ng araw parang same set-up. Mas konti lang yung kotse kasi nga siyempre nagka-pandemic tayo tapos Sunday yun. Sabi ko sa driver ko, ‘Huwag ka naman huminto dito. Doon ka naman sa loob.’ So yung yung pinaka-memorable na u-turn or road ever in my life.”

Sa naturang insidente, sakay ng van kasama ng aktres ang kanyang personal assistant at driver. Pinalad na nakaligtas naman ang mga ito sa pamamaril. Ayon sa aktres, nagkataon umano na natutulog siya sa panahong iyon at ipinagpapasalamat niya na hindi siya nakaupo dahil maaaring natamaan ito ng bala pag nagkataon.



Sa isang Instagram post, ibinahagi dati ni Kim ang kanyang panig tungkol sa naturang insidente. Ayon sa aktres, hindi niya umano alam ang dahilan kung bakit nangyari iyon sa kanya.

Maaari umanong napagkamalan lamang siya ng mga bumaril o napagtripan ng hindi niya kakilala. Ngunit, ang sigurado ay hindi magandang biro ang nangyaring iyon sa kanya. Pahayag pa nga dati ni Kim sa Instagram,

“A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot. Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us. 

“I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke. 6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact. 

“I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying “buti nakahiga ako.” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?... I was so scared, I dont know what to feel right now. 


“Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?. Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po.”

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment