Sa isang vlog na ibinahagi kamakailan lang ni Angeline Jane Yap, o mas kilala dati bilang si Pastillas Girl, naibahagi nito ang mga pinagdaanan noon na mga pambabash dahil nga sa pagiging si Pastillas Girl.
Kung matatandaan, noong panahon na lumabas at sumikat sa telebisyon si Angelica, partikular na sa programang It’s Showtime, panahon din ito ng pamamayagpag ni Maine Mendoze o Yaya Dub sa kabilang TV network.
Nang mga panahong iyon, matindi ang kompetesyon ng mga fans ng dalawa at ng dalawang noontime show kaya naman, ang madalas na nakakatanggap ng pambabash ay si Angelica. Pagkukuwento pa nito,
“What happened to me next, ‘yun naman ang pinakamalala kasi noong napunta naman ako sa noontime show, lahat din ng tao ulit, for the third time, galit na naman sila.
“Let’s put it this way, ‘yung parehas na noontime show, nagtatapat talaga ‘yan para sa ratings. Ako ‘yun napunta dito, may nauna na sa kabila.Yung may mga gusto du’n sa kabila, galit naman sila sa saken kasi mas gusto nila ‘yung kabila.”
Aminado si Angelica na nasaktan siya dati sa mga pambabash na natanggap niya mula sa mga fans dati ni Maine o Yaya Dub. Ani nito, maaaring pinoprotektahan lamang nila ang kanilang idolo gunit, wala naman umanong ginagawa si Angelica para ibash siya ng ganoon ng mga ito.
“So since ang dami dami dami ng may gusto du’n sa kabila, ang dami rin ibig sabihin ng may galit saken kahit wala akong ginagawang masama.
“Ayaw nilang may sumuporta saken. Gusto lang nila, du’n lang sumuporta sa kabila. And I understand kasi nga, ganu’n naman talaga ‘pag mga fans, ‘di ba? Lagi nating pinoprotektahan ‘yung idol natin.
“Kaya nga lang, ang masakit du’n, hindi mo naman kasi kinakalaban. Para silang nagpo-protekta sa isang tao na hindi mo naman inaano,” dagdag kwento pa nito.
Ayon kay Angelica, araw-araw niyang pinagdaanan ang naturang pambabash at gumigising na lamang ito bawat araw habang iniisip kung ano na naman ang mga pamababatikos na ibabato sa kanya sa social media.
Naging mahirap ito para sa kanya dahil hindi niya naman daw inaasahan na lalabas siya sa telebisyon o magiging artista dahil lamang sa simpleng video nito na gumagawa ng pastillas. Hindi niya napaghandaan na haharap siya sa mga ganitong bagay at basta na lamang itong dumating.
“‘Yung mag-almusal ka ng bashing, mananghalian ka ng bashing, meryenda… hapunan, hanggang midnigh snack. ‘Yung hanggang bago ka matulog, hindi ka mapakali kasi baka kinabukasan may bago na naman silang ibabato sa’yo…
“Dumating na din ako sa point na ayaw ko na. Naiisip mo na, worth it pa ba? Pag binabato ka nila ng masasakit na sila, hindi ka pwedeng magreklamo kasi, ang sasabihin naman nila sa’yo, ‘Napaka-ungrateful mo!’,” pagbabahagi pa ulit ni Angelica.
Gayunpaman, nalagpasan niya na itong lahat at nagpapasalaat pa rin si Angelica sa mga pinagdaanan niyang ito dahil dinala naman siya nito sa buhay na mayroon siya ngayon. Kung hindi umano nangyari ang lahat ng kanyang pinagdaanan, hindi rin naman mangyayari ang maraming mga bagay sa buhay niya ngayon
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment