Block sa social media ang inabot ng singer na si Patricia PeƱano matapos niyang tumanggi sa isang groom dahil sa request daw nitong 20 kanta sa kanyang kasal ngunit walang bayad.
Unang nakilala ng publiko si Patricia nang sumali ito sa programang ‘I Can See Your Voice’ kung saan, hinangaan ng marami ang kanyang boses. Dahil dito kaya madalas ay mayroong nagmemessage kay Patricia upang kunin ito na kumanta sa iba’t-ibang mga okasyon.
Malaki naman ang pasasalamat ni Patricia sa mga ito dahil kahit papaano ay kumikita siya habang ginagawa ang kanyang gusto na ang pagkanta.
Minsan, isang Joshua umano ang nagmessage kay Patricia na may parehong intensyon; ang pakantahin siya sa isang event. Ayon kay Joshua, gusto raw nito at ng kanyang magiging misis na kunin si Paticia bilang singer sa darating nilang kasal.
Ani nito kay Patricia, 20 kanta raw ang gusto nilang kantahin ng singer. May dagdag request pa ito na kantahan daw ni Patricia ang kanyang bride sa pagpasok nito sa simbahan. Pumayag naman dito si Patricia sa pag-aakalang mayroong kahit kaunting ibabayad sa kanya ang naturang Joshua.
Ngunit, nang tanungin na ito ni Patricia tungkol dito, animo’y nagulat pa ang Joshua dahil gusto niya raw na libre lamang ang gagawing pagkanta ng singer. Kaya naman, ipinaliwanag dito ni Patricia na hindi madali ang rine-request nito sa kanya. Ngunit, mukhang ito pa ang nagalit sa singer.
“Jusko naman ineng. Kakanta ka lang naman. Papakainin ka naman namin sa reception,” ani pa nito kay Patricia.
Dagdag ani pa nito, papasikatin naman daw nito ang singer sa pamamagitan ng pagpopost ng video nito habang kumakanta sa kanilang kasal. Sa ganitong paraan ay dadami raw ang followers ni Patricia.
Ngunit, nang hindi pumayag dito ang singer, nagalit ulit ito at sinabihan si Patricia na ‘mukhang pera’.
“Ineng kakanta ka lang naman. Hindi ba kumakanta lang naman kayong mga singers para magpasikat. Ino-offeran na nga kita ng maganda ayaw mo pa. Mukha kang pera. Sa totoo lang hindi ka naman magaling kumanta,” pang-iinsulto pa ng naturang Joshua kay Patricia.
Ayon naman kay Patricia, sobra sobra umano ang hinihingi ng naturang groom kaya hindi niya ito magawang mapagbigyan. Handa naman umano siyang magbigay ng libreng serbisyo sa pagkanta ngunit, masyadong marami ang hinihingi nito at isa pa ay hindi naman sila magkakilala.
Kagaya ni Patricia, dismayado rin sa naturang Joshua ang karamihan sa mga netizen at naiintindihan ng mga ito ang ipinupunto ng singer. Pahayag pa nga ni Patricia tungkol sa pagtanggi niyang ito sa naturang groom,
“I sing to EXPRESS not to IMPRESS. NOTE THAT. (Motto yan ng mga singers haha) Iyo na po ang followers mo ano gagawin ko jan? Magkakapera bako jan? Don't get me wrong people, hindi sa mukang pera gaya ng sabi nung nagchat hahahahaha practically speaking ang pagkanta sa panahon ngayon pinagkakakitaan na. May mga bagay na dapat nating paglaanan ng pera, may utang na dapat bayaran at pagkain na dapat paglaanan. That's why…
“Sana matuto tayong mag value ng bagay na ipinagkaloob ng Diyos. Matuto tayong mag value ng artists. Hindi biro ang maging isang singer.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment