Paunti-unti nang bumabangon ang komedyanteng si Tekla mula sa malaking kontrobersiya na kinasangkutan nito matapos siyang akusahan ng mga hindi magagandang bagay ng kalive-in niyang si Michelle Lhor Bana-ag.
Binatikos man noong una, sa pamamagitan ng mga testimonya ng mga taong totoong nakakilala sa kanya ay unti-unti nang pinapakinggan ng publiko ang panig ni Tekla.
Unang hakbang para sa pagbangon at bagong simula na ito ni Tekla ay ang paglilinis sa kanyang condo na animo’y dinaanan ng bagyo sa dumi at baho ng loob nito.
Sa vlog nito kasama ang kapwa komedyante at malapit na kaibigang si Donita Nose, ibinahagi nila sa publiko kung paano nila sinikap na linisin ang itinuturing na tahanan ni Tekla. Bago ito, makikita kung gaano kadumi ang loob ng nasabing condo na isa ring ebidensya kung paanong hindi ginampanan ni Michelle ang pagiging asawa nito kay Tekla.
Sa dami ng mga nakatira sa kanilang condo, hindi man lang nagawang makapaglinis ng mga ito. Bilang siya ang naghahanap buhay sa pamilya, ang nais niya lang sana ay umuwi nang maaliwalas ang bahay ngunit hindi niya ito naranasan kay Michelle at sa pamilya nito.
Si Donita mismo at ilan pa nilang mga kaibigan ang nanguna sa paglilinis at pagtatapon ng mga nakakalat at nakatambak na basura sa condo ni Tekla. Ito rin ang siyang nagkuskos sa maduming banyo at kusina ng kaibigan na hindi nito makayanan ang sobrag dumi.
Sa vlog, makikita rin ang sira-sirang mga gamit ni Tekla gaya ng kanyang mga kabinet at mesa. Maging ang kama nito ay hindi na rin kayang linisin dahil sa sobrang dumi.
Upang kahit paano ay umaliwalas ang paligid ni Tekla at makapag-isip ito nang maayos para sa bagong kabanata na ito sa kanyang buhay, namili sina Donita nang mga bago nitong gamit tulad ng kama at mga unan.
Sa tulong na rin ng iilan na nakakaintindi at naniniwala kay Tekla, nakabili ito nang kahit kaunti lamang na gamit sa kanyang tahanan. Bagam’t hindi pa tuluyang naaayos ang ilan sa mg gamit nito sa bahay, kahit papaano ay malinis na ito at maaliwalas na ang kanyang paligid.
Dahil dito kaya lubusan niyang pinapasalamatan si Donita na siyang nanguna para maging malinis muli ang kanyang condo. Ani pa ni Donita kay Tekla,
“Friend ginawa ko to sayo kasi gusto kita maging masaya at the same time makita mo na ang bahay mo pala ay pwede naman palang maging bahay. Diba? So kahit wala kang kasama, kahit ikaw lang. It will happen. May darating at darating din para sayo.”
Kahit na mayroon umanong nawala sa buhay nito, mayroon pa rin namang mga tao na naniniwala kay Tekla. Ayon naman kay Tekla, alam nitong nakikipaglaban siya ng maayos at wala itong tinatapakang tao. Kaya naman, kahit papaano ay mayroon pa rin itong mga biyaya.
“Ang hirap talagang magsimula. Feeling ko tatalon na ako ‘eh sa sobrang stress… Pero, time to time maaayos din ito. Alam ko malalim ang sugat pero mao-overcome ko rin ‘to,” saad pa ni Tekla.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment