Masayang inanunsyo celebrity stylist na si Liz Uy ang kanyang engagement sa kanyang businessman na boyfriend nito lamang Martes ng gabi, ika-27 ng Oktubre sa Instagram.
“In all lifetimes, always a yes,” ani pa rito ni Liz. Sa naturang larawan, makikitang suot ni Liz ang kanyang engagement ring.
Engage na ito sa kanyang businessman partner na si Raymond Racaza na nakilala raw nito noong 2016 sa isang business meeting. Mayroon nang isang inak sina Liz at Raymond. Ito ay si baby Xavi na unang beses ipinakilala ni Liz sa publiko noong 2018.
Agad naman na umani ng mga pagbati si Liz mula sa kanyang mga kaibigan para sa magandang balita na ito para sa kanya. Ilan sa mga ito ay ang mga malalapit niyang kaibigan na sina Anne Curtis, Solenn Heusaff, Georgina Wilson, at Isabelle Daza.
“OMG IM SO HAPPY WE CAN SHARE TO THE WORLD. Congrats on your engagement!!!! You’re officially stuck with two Raymond’s your entire life,” saad pa nga rito ni Raymond Gutierrez na isa ring malapit na kaibigan ni Liz.
“Im so happy for you!!! Mas alam pa pala ni mikee!!!! Love u ach!!!!” pagbati naman para rito ni Alex Gonzaga.
“Oh wow. I know your story and am happy that you both got a second chance at love in this lifetime… catch up soon pls! Hindi lang puro NetaPorter Q&A sa whats app lol,” mensahe naman ni Karen Davila para kay Liz.
Ilan pa sa mga personalidad na nagpahayag ng kanilang masayang pagbati para kina Liz at Raymond ay sina Bianca Gonzalez, Ellen Adarna, Luis Manzano, Vice Ganda, Tim Yap, Ruffa Gutierrez, at iba pa.
Dito, pinasalamatan din ni Liz si Isabelle Daza dahil ito raw ang dahilan ng pagkakakilala nila ng kanya na ngayong fiance. Sa isang panayam noon, isinaad ni Liz na si Belle nga ang nagpakilala sa kanya kay Raymond noong May ng 2016 sa isang business meeting.
“@isabelledaza i love you!!!! You’re the best cupid,” ani pa ni Liz kay Belle.
Tatlong taong gulang na ngayon ang anak nina Liz at Raymond na si Xavi. Ipinagdiwang ng mga ito ang kanyang kaarawan nito lamang Setyembre. Bagama’t 2017 pa nito isinilang ang kanilang nag-iisa at panganay na anak, noong 2018 niya na ito unang ipinakilala sa publiko.
Sa kabila ng mga pagbating ito para sa kanilang engagement, mayroong iilan na hindi naging maganda ang reaksyon sa balitang ito tungkol kay Liz at sa kanyang longterm boyfriend. Dahil sa balitang ito kaya muling naungkat ang kontrobersiya dati ni Liz at ng dating asawa ni Raymond na si Dra. Ging Zamora.
Naging usap-usapan dati na kasal pa ang dalawa nang makilala ni Liz si Raymond noong 2016. Kaya naman, hindi naiwasan na mayroong mga tao na salungat ang naging reaksyon sa engagement na ito nina Liz.
Gayunpaman, sa parehong araw ay mayroon ding lumabas na balita kung saan, engaged na rin umano ang dating asawa ni Raymond na si Dra. Ging. Ayon sa naturang balita, engaged na rin ngayon si Dra. Ging sa isa ring doktor at cardiologist.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment