Matapos ang malaking pagsubok at kontrobersiya na pinagdaanan ng komedyanteng si Tekla, nakapanayam ito ni Ogie Diaz sa kanyang vlog kung saan, mayroong mga dagdag na rebelasyon si Tekla tungkol sa mga pinagdaanan nito sa dating live-in partner.
Dito, inilahad ni Tekla kay Ogie ang mga pinagdaanan niya kay Michelle Lhor Bana-ag tulad na lamang ng pisikal na pananakit nito sa kanya dati.
Ayon kay Tekla, kailanman ay hindi niya pinagbuhatan ng kamay o sinaktan ng pisikal si Michelle. Ngunit, maraming beses umano na ito ang nanakit sa kanya na tiniis niya lamang sa loob ng anim na taon nilang pagiging magkarelasyon.
“Hindi ako namimisikal talaga. Kung kaya kong i-release ‘yung temper ko sa sigaw, galit, gagawin ko kasi… hindi naman ako ‘yung tao na mababawasan lamang ‘yung galit kapag nakaganti ka ng sakit…
“Siya ang nananakit. Jusko. Kung bibilangin ko ang [mga] scars [sa] buong katawan ko, lahat ‘yan… for five years,” kwento pa ni Tekla.
Pagbabahagi pa ng komedyante, mayroon daw isang pagkakataon na kasama ni Michelle na nanakit sa kanya ang isa nitong kapatid. Ayon kay Tekla, binugbog umano siya ng mga ito hanggang sa naging duguan siya.
“Binugbog nila ako. As in, duguan ako. Gasgas, bukol, dugo,” saad pa ni Tekla.
Dahil dito kaya nagpamedical umano ang komedyante at pumunta sa barangay upang ireklamo sana ang ginawa sa kanya nina Michelle. Ngunit, wala rin umanong nangyari dahil hindi siya pinaniwalaan ng barangay sa kanyang reklamo.
Ani ng mga ito, unang beses daw kasi na may nagreklamo sa kanila na ang lalaki ang binubugbog ng babae. Tinawanan na lamang din ni Tekla ang tungkol sa pangyayaring ito sa kanya dati.
Maliban dito, ibinahagi din ni Tekla ang maraming beses na nilimas ni Michelle ang laman ng kanyang ATM. Ayon kay Tekla, wala raw itong itinatago kay Michelle kaya madalas, kapag tulog ito ay nakabalandra lamang ang lahat ng kanya katulad ng kanyang ATM.
Ito rin ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga kaibigan ni Tekla ay alam ang mga ginagawa ni Michelle at galit ang mga ito rito. Alam daw ni Michelle ang lahat dahil ayaw niyang isipin nito na pinagtataguan niya ito.
Tungkol naman sa mga taong naniwala at naglabas ng mga pahayag panig kay Tekla, hindi niya raw inaasahan na ganoon katindi ang pag-aalala sa kanya ng mga ito lalo na ang kanyang mga kaibigan.
Dagdag kwento pa ni Tekla, bago pa man dumulog ni Michelle sa programa ni Tulfo, alam na umano nito ang plano ng live-in partner. Ngunit, dahil sa sobrang tiwala ni Tekla rito, hindi niya inakala na totohanin ni Michelle ang pagpunta sa programa.
Sa huling beses na paghaharap nila ni Michelle, binigyan niya pa raw ito ng pagkakataon na magkaayos sila para na rin sa kanilang anak. Ngunit, kondisyon ni Tekla na sila na lamang pamilya. Pinal na desisyon umano nila ni Michelle na sa bata na lamang sila mayroong koneksyon.
Nakipag-ayos din umano ang pamilya nito noong panahon na napunta na sa kanya ang panig ng publiko dahil nahahalungkat na rin umano ang tungkol sa kung anuman ang mayroon sa pamilya ni Michelle.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment