Monday, October 19, 2020

Michelle Madrigal, Nakilala ang Asawa sa Dating App na Tinder; Kanilang Kwento, Naging Viral Online!


Bagama’t isang taon na ang lumipas mula nang ibahagi ni Michelle Madrigal ang vlog na ito kung saan, ibinunyag nila kung paano sila nagkakilala ng kanyang asawang si Troy Woolfolk, kamakailan lang ay naging trending ito sa social media.

Sa Twitter, isang netizen ang nag-reupload ng video na ito ni Michelle na talagang umani ng napakaraming ‘Sana All’ mula sa mga netizen. Saad pa ng netizen na ito tungkol kay Michelle,

“MICHELLE MADRIGAL MET HER HUSBAND ON TINDER PUTANGINAAAAAAA SANAAAAA ALLL!!!!!!!!!!” 

Sa naturang vlog, ibinahagi ni Michelle na sa dating app na Tinder sila nagkakilala ni Troy. Ilang taon matapos nito, happily married na ang dalawa kasama ang kanilang anak na si Anika.

Agad naman na naging trending ang naturang video clip sa Twitter at umani ng positibong reaksyon mula sa mga netizen na kinilig sa kwento ng dating aktres. Biro pa nga ng ilan, mukhang marami umano ang nabuhayan na muling mag-Tinder upang makilala rin ang kanilang ‘the one’.

Ayon sa aktres, gumawa umano sila dati ng kwento na animo’y mala-movie na siyang sinasabi nila sa mga nagtatanong kung paano sila nagkakilala. Sa naturang vlog, inilahad nila na kasinungalingan ang lahat ng iyon.

“Troy was running at the park with his dog and I basically started talking to him, asked about his dog. He started a conversation and from there, he got my number and we went on a date… Lies. All lies!” ani pa ng dalawa.

Ang katotohanan, hindi sa park nangyari ang kanilang unang pagkikita kundi sa dating app na Tinder!


“Tinder! Swipe, swipe. She gave me the star. I was the star of the day,” paglalahad pa nito ni Troy.

“So yeah we met through Tinder, a dating app… We did start talking. It was like a weekend, Sunday when we swiped, and we met up on a Wednesday then we met up Saturday with his friends and the rest was history,” pagkukwento naman ni Michelle sa tunay na nangyari.

Dahil nga sa naging viral ang lovestory na ito ni Michelle at ng kanyang asawa, sa Instagram ay muling kinumpirma ni Troy na sa Tinder nga nito nakilala ang kanyang ‘significant other’.

“The secret is out. Swipe right to see (hint hint). Yes it is true @mitch_madrigal and I met on Tinder…

“Originally we made up an elaborate lie using some clichĂ© movie script introduction meeting at the park while walking my dog. The stories kept changing and I got tired of trying to remember so we came out to tell the truth!” pagkukumpirma pa ni Troy.

Sa naturang Twitter post naman na naging viral, sumagot dito si Michelle at sinabing mahahanap din umano ng netizen ang taong para rito. Saad pa nito,


“Lol!!!! Mahahanap mo din yan!!!! Push Lang!!! :)”

Taong 2019 nang ikasal sina Michelle at Troy sa isang pribadong seremonya sa Austin, Texas. Doon din nakatira ngayon ang dating aktres dahil doon sila nakabaseng dalawa ni Troy. Taong 2017 naman nang isilang nito ang kanilang nag-iisang anak na si Anika. 

Source: gmanetwork


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment