Umiiyak na humingi ng tulong kay Raffy Tulfo si Ronnie Yabut, isang overseas Filipino worker (OFW), upang isumbong ang umano’y pakikipagrelasyon ng kanyang misis sa sariling pinsan nito.
Ayon kay Ronnie, nahuli umano ng kanyang pamilya ang misis nitong si Abby Ghey Yabut at nang umano’y pinsan na kalaguyo nito sa loob ng iisang kwarto. Nagkulong umano dito ang dalawa nang mahigit isang oras kaya imposibleng tumambay lamang umano roon ang dalawa.
Maliban dito, marami rin umanong mga ebidensyang dala si Ronnie na magpapatunay ng kataksilan sa kanya ng kanyang misis. Mayroon umanong palitan ng mensahe ang dalawa na nagpapatunay na mayroon ngang relasyon ang mga ito.
Ayon kay Ronnie, ang nangyaring pagkahuli sa kataksilan ng kanyang misis ay nangyari umano sa bahay ng bestfriend ni Abby Ghey. Naawa na at nakonsensya na raw kasi ito sa ginagawa ng bestfriend kaya nito ibinunyag ang nangyayari kina Ronnie.
Doon daw umano sa bahay nito madalas na nagkikita ang dalawa at hindi umano iyon ang unang beses na nagkasama ang kanyang misis at pinsan nito.
Depensa naman ni Abby Ghey, set-up lamang umano ang nangyari at walang katotohanan. Mariin nitong itinanggi ang paratang ng mga ito na mayroon silang relasyon ng kanyang pinsan. Ani pa nito, noon pa man umano ay ayaw na sa kanya ng pamilya ng asawa kaya isinet-up umano siya ng mga ito.
Ani naman ng pinsan nitong si Christian Bondoc, kaibigan at pagiging magpinsan lamang talaga umano ang kanilang relasyon ni Abby Ghey.
Maliban dito, pinaratangan din ni Abby Ghey ang asawa na umano’y nananakit sa kanya at ang matagal na umanong pagkadisgusto ng pamilya nito sa kanya.
Maging ang nanay ni Ronnie na si Nova Yabut ay humarap din kay Raffy upang ilahad ang kataksilan umano ng kanyang manugang. Paglalahad pa nito, matagal na umano nilang minamanmanan si Abby Ghey at ang pakikipagrelasyon nito sa iba.
Saad naman ni Ronnie, kaya pala umano panay ang pagpapaganda ng misis niyang ito dahil para ito sa kanyang kabit, samantalang ang kanila umanong mga anak ay nagtitiis lamang sa itlog at sardinas na ulam.
Kaya naman, dahil sa ginawang ito ni Abby Ghey at ng kabit nitong pinsan niya rin, desidido si Ronnie na ipakulong umano ang dalawa at pagbayarin sa kanilang kasalanan.
“Magsisinungaling ka pa ‘eh. Papakulong ko kayong dalawa ng lalaki mo. Ang dami kong ebidensya. Ayusin mo ‘yung buhay mo sa kulungan…Ang tagal niyo na akong niloloko. Pakukulong ko kayo!
“Matapang ka pa, diba sabi ng lalaki mo noong una kayong nahuli, idedemanda n’yo ‘yung nanay ko atsaka kapatid ko? Ang galing ng lalaki mo, pinagtatanggol ka pa niya,” ani pa nga Ronnie sa misis.
Dagdag pa nga ni Ronnie, muntik pa umano siyang magpakamatay dahil sa ginawang ito ng kanyang misis. Kaya naman, gagawin umano nitong lahat para makulong lamang ito at ang kanyang kalaguyo.
Ani naman ni Tulfo, paghaharapin umano nila silang lahat pati na rin ang mga ebidensya na hawak ni Ronnie. Tutulungan umano ang mga ito ng programa upang malaman ang totoo at mabunyag ang katotohanan.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment