Tuesday, October 20, 2020

Nagastos ni Janine Berdin sa Kanyang Pagpapa-enhance, Ibinunyag Nito kay Vice Ganda


Tinapos na ng singer at kamakailan lang ay trending na si Janine Berdin ang mga pahayag sa social media tungkol sa umano’y pagsailalim nito sa plastic surgery.

Sa isang panayam na pinaunlakan nito kung saan lumabas si Janine sa online show ni Vice Ganda, diretsahang kinumpirma ni Janine ang pagsailalim niya sa plastic surgery nang tanungin ito ng komedyante. Ayon kay Janine, ipinagawa raw nito ang kanyang ilong.

“Yung biggest insecurity ko ay ‘yung nose ko, so ‘yun po ang in-enhance ko, ‘yung nose ko lang po,” ani pa nga ni Janine.

“Yun po talaga yung hinanap ko dati. Kasi kung parang naano po ako, parang nasa-sad po ako lagi kahit alam kong sobrang blessed po ako. Parang sa sarili ko po nanggaling yung ako mismo yung source of sadness ko. Parang hindi po ako masaya sa sarili ko dati.

“Parang ngayon, sobrang saya ko po talaga. Sobrang nararamdaman ko na yung saya ko,” dagdag ani pa ni Janine. 

Pagbabahagi pa ng singer, wala pa umanong isang buwan mula nang sumailalim siya sa naturang pagpapa-enhance ng kanyang ilong.

Maliban dito, inihayag rin daw ni Janine kung magkano ang naging gastos niya sa pinagdaanang surgery. Ayon kay Janine, nasa Php 100,000 umano ang nagastos nito rito.

Bagama’t marami sa mga netizen ang pumuri sa bagong look na ito ni Janine at sinuportahan ito sa kanyang desisyon, hindi naman lingid sa kaalaman nito na mayroon ding ilan na hindi nagustuhan at naging salungat ang opinyon tungkol kay Janine.


Kaya naman, sa naturang panayam ay ipinagtanggol ni Vice ang singer mula sa mga negatibong komento rito ng mga netizen. Dito ay ibinahagi rin ni Vice ang mga pagpapa-enhace na nagawa niya rin sa kanyang mukha.

Pahayag pa nga ni Vice tungkol dito,

“Ang masasabi ko lang is, para sa akin, walang masama dun sa ginagawa mo kasi parang ano lang ‘yan, e... Tayo nga, yung katawan mo, ‘yang hitsura mo, ano ‘yan, e, gift 'yan. Pero, hindi ba, ang gift natin may kanya-kanya tayong choice kung paano natin babalutin yung regalo? Para sa akin, ganun lang yung ginagawa mo. Ako, ginawa ko rin yun sa sarili ko,”

“Nagpagawa ako ng mata, nagpagawa ako ng pisngi, ng baba, 'di ba? So, choice natin kung paano natin ira-wrap yung regalo natin. Pero ang malinaw sa atin, ang pinakamalaking regalo natin ay hindi naman yung mukha — 'yung nasa loob, 'yung puso. 'Yung puso ang talagang regalo natin. Itong [panlabas na anyo], wrapping lang ito ng regalo natin. Ang totoong regalo natin ay yung puso natin.”

Nitong nakaraang mga araw ay ginulat ni Janine ang publiko sa kanyang bagong look kung saan, kitang-kita ang magandang pagbabago sa mukha ng ‘Tawag ng Tanghalan’ season 2 grand winner.

Bago ang panayam na ito ay hindi diretsahang inihayag ni Janine ang pagsasailalim niya sa plastic surgery kaya naman, hindi naiwasan na makatanggap ito ng mga negatibong pahayag.

Ngunit, hindi rin naman pinalagpas ni Janine ang mga pambabatikos na ito sa kanya at ipinagtanggol nito ang sarili. Para kay Janine, hindi umano dapat natatakot sa pagbabago ang isang tao kung talagang mahal nito ang kanyang sarili.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment