Tuesday, October 20, 2020

Isang Tatay, Karga-karga ang Maliit na Anak Habang Naglalako ng Taho

Maraming mga netizen ang naantig sa viral na mga larawang ito ng isang tatay na karga-karga sa likod ang maliit na anak habang naglalako ng paninda niyang taho.

Sa mga larawan na ibinahagi ng netizen na si Aljun, makikita ang naturang ama na buhat-buhat sa balikat ang inilalako niyang taho habang karga-karga rin nito sa kanyang likod ang kanyang anak.

Maliban dito, dahil naglalako si tatay sa kabila ng init ng panahon at tirik na araw ay dala pa nito sa isang kamay ang isang payong na marahil ay para maproteksyunan sa init ang kanyang anak.

Ayon sa netizen, kaya raw nito bitbit ang kanyang anak ay dahil iniwan na daw ito ng kanyang asawa. Upang mayroong mapakain sa anak, kahit hirap ay pinipilit nitong maghanapbuhay habang isinasabay ang pag-aalaga sa bata.


Gustuhin man daw niya na makatulong dito ay hindi niya rin magawa dahil wala umano siyang maibigay rito. Kaya naman, upang kahit papaano ay mayroong magawa sa sitwasyon ng naturang mag-ama, ipinost nito ang larawan nito para magbakasakaling maka-ani ng tulong sa social media.

Agad naman na naging viral ang Facebook post na ito ni Aljun kung saan umabot lang naman sa mahigit 6,000 ang naani nitong mga reaction. Karamihan sa mga ito ay nalungkot para sa kalagayan ng mag-ama at dasal din na sana ay mayroong tumulong dito.

Karamihan sa mga komento sa naturang post ay kumukuha sa atensyon ng mga kilalang programa na maaaring makatulong dito. Nais ng mga ito na matulungan ang mag-ama ng programa ni Raffy Tulfo o di kaya ay ng programa ni Jessica Soho.


Ani rito ng karamihan sa mga netizen, nakakaawa umano ang sitwasyon ng mag-ama at ang sakripisyo na ginagawa nito para lamang makapaghanapbuhay at maalagaan ang anak.

Hindi man lang daw naawa rito ang kanyang asawa na nang-iwan kay tatay at sa anak ng mga ito na mag-isa na lamang inaalagaan ni tatay. Sana raw ay makonsensya man lang ito sa kanyang ginawa sa mag-ama.

Marami rin sa mga netizen na nagkomento ay nag-iwan ng mensahe para palakasin ang loob ni tatay na malagpasan ang pagsubok na ito sa kanyang buhay at makaahon ito mula sa hirap. 

Ang sitwasyon na ito raw ng naturang magtataho ay isang halimbawa ng pagmamahal na handang i-alay ng isang ama para sa kanyang anak at sa sakripisyo na handa nitong gawin para sa kanyang mahal na anak.


Sana raw ay mabigyan ng tulong si tatay dahil bukod sa nakakaantig nitong sitwasyon, nararapat lang din itong tulungan dahil sa patuloy nitong paghahanap buhay ng marangal kahit doble ang hirap na dinaranas nito.

Kahit na sa kabila umano ng sitwasyon na mayroon ito, mas pinili pa rin ni tatay ang mabuhay ng marangal kahit na doble ang paghihirap nito. Ngunit, para sa kanyang anak ay ipinagpapatuloy pa rin ito ni tatay.

Sa ngayon, bukod sa libu-libong reactions na naaani ng naturang Facebook post ay umabot na rin sa mahigit 17,000 ang shares na nakakalap nito at patuloy pa ring dumarami.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment