Monday, October 26, 2020

Sikat na Artista, Nagbigay ng Tulong kay Buboy Villar para sa Kanyang Anak; Kilalanin dito!


Marami ang nagulat at humanga sa aktor na si Ruru Madrid dahil sa walang pag-aalinlangan nitong pagbibigay ng malaking halaga nang walang anumang kapalit para sa inaanak nito na anak ni Buboy Villar.

Ang kabutihang ito ni Ruru ay natuklasan ni Buboy nang isa ito sa mga naging biktima ng huli sa ginawa niyang prank. Makikita ang tungkol dito sa pinakabagong vlog na ibinahagi ni Buboy sa YouTube.

Sa naturang vlog, gumawa ng prank call si Buboy sa ilan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz. Dito, magpapanggap si Buboy na hihiram siya ng pera sa mga ito para sa kanyang mga anak at pambayad niya rin sa kanya umanong sasakyan.

Ang rapper at kaibigan ni Buboy na si Pricetagg ang unang naging biktima rito ng aktor. Nang tinawagan niya na ito, sinabi ni Buboy na kailangang-kailangan niya ng pera upang mabayaran ang kanyang sasakyang BMW at para rin sa kanyang mga anak.

Sinabihan dito ni Buboy ang rapper kung pwede ba raw siyang mangutang rito ng Php 50 000. Noong una, pinagsabihan ni Pricetagg ang kaibigan na hindi umano praktikal para rito ang bumili ng sasakyan lalo na’t mayroon na itong dalawang anak.

Ani naman ni Buboy, baka raw pwede siyang tulungan ng kaibigan sa pamamagitan ng paghingi rito ng mga ibebenta niyang damit galing sa clothing line ni Pricetagg. Willing naman umano si Pricetagg na tulungan si Buboy rito ngunit, bago matapos ang tawag ay ibinuking niya na rito na biro lamang ang lahat at isa itong prank.


Ikalawa naman sa tinawagang kaibigan ni Buboy ay ang komedyanteng si Gladys Guevarra. Ngunit, nang sabihin niya rito ang tungkol sa maaaring paghiram niya rito ng pera, tumanggi sa kanya ang kaibigan dahil mayroon pa umano itong pinaglalaanan ng kanyang pera.

Ang pangatlo at naging huling biktima ni Buboy sa prank call niyang ito ay si Ruru Madrid. Gaya ng mga naunang tinawagan ni Buboy, tinanong din nito si Ruru kung pwede ba siyang manghiram dito ng pera. 


Ani ni Buboy kay Ruru, kailangan umano nito ng halagang Php 250 000. Ayon naman kay Ruru, malaking halaga raw ang Php 250 000 ngunit hahanapan niya ito ng paraan. Kalaunan, nag-offer ang aktor kay Buboy na magbibigay na lamang ito rito ng halagang Php 150 000.

Bigay niya na raw ito kay Buboy dahil matagal naman daw silang magkaibigan at inaanak niya rin naman ang isang anak nito.

Dahil sa sinabing ito ni Ruru, hindi napigilan ni Buboy na magulat dahil sa laki ng halaga na handang ibigay rito ng kaibigan ng libre. Agad niya itong sinabin na biro o prank lamang ang kanyang ginawa ngunit pinasalamatan na rin ito ni Buboy. 

Natawa na lamang din si Ruru nang marinig na prank lamang pala ang ginawang panghihiram dito ng pera ng kaibigan. 


Katulad ni Buboy, nagulat din ang maraming netizen dahil sa kabutihang ito umano ni Ruru. Hindi birong halaga ang Php 150 000 ngunit handa itong ibigay ng libre ni Ruru dahil sa pagkakaibigan na mayroon sila ni Buboy at sa kanyang inaanak dito.

Source: showbizmore

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment