Sensitibo ang reklamong idinulog ng live-in partner ng komedyanteng si Super Tekla, o Romeo Librada sa totoong buhay, sa programa ni Raffy Tulfo nito lamang ika-20 ng Oktubre.
Umiiyak na dumulog sa programa si Michelle Lhor Bana-ag upang ireklamo ang komedyante sa pamimilit umano nitong makipagtal1k sa kanya kahit ayaw nito, kahit masama ang pakiramdam nito, at kahit hawak nito ang kanilang sanggol na anak.
Kapag hindi raw nito napagbibigyan si Tekla, hindi raw ito magbibigay sa kanya ng pera at iniiwan sila nito na walang pambili ng pagkain. Ayon kay Mivhelle, hindi umano napipigilan ng komedyante ang sarili at madalas ay namimilit ito sa kanya.
“Mumurahin niya po ako tapos hindi po siya kikibo. Hindi na po siya bibili ng pagkain kahit nagugutom na ‘yung mga pamangkin ko na nandito. Nag-iiyakan po ‘yung mga bata, nagugutom… magmamakaawa po ako sa kanya na bumili na siya ng pagkain,” pagbabahagi pa ni Michelle.
Sa programa, mayroon itong malakas na ebidensyang ibinahagi kung saan, sa isang video ay makikita ang komedyante na nagmumura habang nagsasagutan sila ng kalive-in partner dahil sa ginawa raw nitong kabastusan kahit nandiyan ang kanilang anak.
Dito ay maririnig din ang komedyante na sinasabing mababaw ang ikinagagalit ni Michelle at dapat lang daw na hindi ito magbigay rito ng sustento dahil daw sa pagtanggi rito ng live-in partner.
Maging si Tulfo ay nagulat din sa naturang video kung saan klarong-klaro ang komedyante at malinaw ang kanilang pinag-aawayan na kaharap pa ang mga bata.
Masyadong sensitibo ang mga ibinabahaging kwento ni Michelle sa programa na mismong si Tulfo ay napapahawak na lamang sa mukha dahil sa mga umano’y ginawa ni Tekla sa kanyang live-in partner.
Ayon sa abogadong si Atty. Garreth, isa sa maaari umanong isampa na kaso kay Tekla ay ‘marital rape’ dahil sa ginawa nitong pamimilit sa live-in partner na makipagtal1k kahit labag sa kagustuhan ng huli.
Hindi isang beses ngunit ilang beses na umano itong ginagawa ni Tekla kay Michelle, maliban pa ito sa mga pagkakataon na kahit kaharap ang anak ay may ginagawa itong kabastusan sa sarili.
Mayroon din umanong ‘acts of lasciviousness’ dahil sa kabastusan nito kay Michelle at sa kanilang anak habang mayroong ginagawa sa sarili kaharap ang mga ito kahit walang ‘penetration’.
Maaari ring idagdag na kaso rito ay ang ‘child abuse’ dahil maging ang mga pamangkin ni Michelle ay saksi rin sa ginagawa rito ng komedyante.
“Hindi na po talaga asawa turing niya sa’kin. Aalis po siya, ni-piso hindi po siya magbibigay ‘pag hindi po ako pumayag. Tapos uuwi siya at didikit po sya sa’kin. Magmamas******* nalang po siya, akala niya okay na kami…
“Pero hindi niya po alam kung gaano ako nasi-stress, nadedepress sa ginagawa niya. Pero wala po akong magawa,” umiiyak pang pagbabahagi ni Michelle.
Sinubukang hingan ng panig ng programa si Tekla ngunit nasa taping daw ito nang mga oras na iyon. Siniguro naman ni Tulfo na protektado si Michelle kung sakaling may gawin dito sa Tekla pag-uwi nito at sinigurado rin nitong tutulungan si Michelle sa mga kasong isasampa niya sa komedyante.
Panoorin dito ang buong video ng reklamong ito tungkol kay Tekla at kayo na ang bahalang humusga:
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment