Maraming mga netizen ang naantig sa kwento at sitwasyon ngayon ng lola na ito na namamalimos sa kalye para lamang makaipon sa online class ng apo at maalagaan ang kanyang mister na mahina na ang katawan.
Sa isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Jhonroe Cabildo, hindi niya umano natiis na titigan lamang nakakaawang si lola habang nanlilimos ito sa isang kalye sa may Monumento station sa Caloocan.
Suot ang kanyang mask at face shield, sa kabila ng katandaan ni lola ay nagpapakahirap ito manlimos sa kalye habang nilalaban din ang gutom. Ayon sa netizen, iilan lamang umano ang pumapansin kay lola kaya nilapitan niya na ito.
Nang lapitan ito ng netizen, nalaman nito ang dahilan kung bakit namamalimos pa rin si lola sa kabila ng edad nito at ng peligro.
Nakakasakit ng puso ang ibinahaging kwento ni lola dahil ayon dito, namamalimos daw ito para makaipon sa online class ng kanyang apo. Mahina na rin ang katawan ng kanyang asawa kaya ito na ang nanlilimos para buhayin ang pamilya.
Kaunting tulong lamang umano ang naibigay ng netizen kaya naman, para mas matulungan pa si lola ay ibinahagi niya sa Facebook ang tungkol dito. Hinimok niya ang iba pang mga netizen na ipaabot kay Raffy Tulfo at sa programa nito ang nakakaawang sitwasyon ni lola.
Hindi naman ito nabigo dahil agad nakuha ng kanyang Facebook post ang atensyon ng publiko na naantig at naawa rin sa kondisyon ni lola. Gaya ng sabi ng netizen, tulong-tulong ang mga ito na mai-tag sa post ang programa ni Tulfo.
Dahil sa dami ng mga netizen na naawa at nagpaabot ng kagustuhan na tumulong kay lola, ito na mismo ang nagpahayag na nais nilang mag-abot ng tulong rito. Kaya naman, hinanap ng netizen ang tirahan ni lola upang iabot dito ang mga tulong galing sa iba’t-ibang mga netizen.
Ayon kay Cabildo, natuwa umano si lola nang makita siya nitong muli noong pinuntahan niya ang bahay nito. Maliban sa netizen, mayroon din umanong ibang mga tao na talagang sinadya si lola sa bahay nito para kamustahin at mag-abot ng tulong.
Sa mga gusto pang magpaabot ng kanilang tulong, ayon sa netizen ay huwag umanong mahiya ang mga ito na i-message siya upang maibigay niya rito ang kanilang mga kailangang impormasyon o maiabot niya kay nanay ang tulong mula sa mga ito.
Maraming mga netizen ang nagpahayag ng tuwa dahil sa mga biyaya na dumating kay lola at sa mga tao na nag-abot dito ng tulong. Natutuwa ang mga ito lalo na’t kita umano sa mga larawan ni lola ang taos-pusong kaligayahan nito para sa mga taong tumulong sa kanya.
Sa kabila naman ng mga papuri ng mga netizen na natanggap ni Cabildo, mayroon pa ring iilan na walang magawa kundi ang mag-isip ng negatibo sa kapwa. Kaya naman, nagbigay ito ng depensa tungkol umano sa mga nagsasabing ginawa niya lamang ang naturang Facebook post para sa atensyon.
Mariin niya itong itinanggi at nilinaw na ang pagtulong kay lola ang unang-unang dahilan kung bakit niya ibinahagi ang kwento.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment